Kabanata 17

53.2K 2.3K 683
                                    

Protecting

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko habang nakikita siyang may bahid ng dugo mula sa mga nilalang na pinatay niya. My heart is clenching so bad. Ang sakit — sakit. And on the other side, labis ang takot na nararamdaman ko. Hindi tumitigil ang luha sa pagtulo mula sa aking mata. I cried hard while shivering.

"A-anong ginawa mo? I-ikaw ba ang gumawa n-niyan?" I asked, even it is already obvious. Because despite on what I saw last night, hindi ko pa rin matanggap na ginawa niya ito ngayon.

Nakatitig lamang siya sa akin. Hindi ko mahanap ang natural niyang ekspresyon. Dahil ngayon, tila malambot ang kaniyang titig sa akin. Gone the ruthless and dangerous aura. His expression is so soft that made him look innocent despite of his sharp features. Kinagat ko ang labi at pinahid ang mga luha.

"I-ikaw ba ang may gawa niyan?" Pag-uulit ko at pinasadahan ng tingin ang dalawang nilalang na wala ng buhay. It look like their necks were twisted with so much force. Bukas din ang dibdib ng isa, samantalang ang isa pa ay sa bandang tiyan. This is the first time I'd seen a scenario as morbid as this. At nakapanghihina. Napapikit ako nang mariin habang lumalala ang panginginig ng katawan.

"Azriella.." he called me again. Tumayo siya. Nanlaki ang mata ko lalo na nang humakbang siya palapit sa akin. I cried harder at kahit nakasalampak ay pinilit kong umatras upang mapanatili ang distansya namin. I saw some emotion crossed his silver eyes ngunit 'di ko na magawa pang pangalanan dahil sa sobrang takot.

"S-sagutin mo a-ako.." I whispered. His jaw clenched. Humakbang siya muli kaya agad akng umatras. Tinaas ko ang isang kamay upang patigilin siya sa paglapit at pinilit na tumayo kahit nanginginig ang tuhod. Patuloy ang luha ko habang pinipilit na tulungan ang sarili.

"Let me help you.." He gently said. Agad akong umiling.

"N-no! Diyan ka lang! H-huwag kang lalapit.." halos pagmamakaawa ko. My mind is in chaos. Nakita ko na ang sekreto niya kagabi, at ito, ang muling pagpatay niya. Marami na akong nalaman at baka isunod na niya ako. There's a big chance that he'll need to kill me.

Nang tuluyang makatayo ay hinarap ko siya. Kitang-kita ang mga bahid ng dugo sa kaniyang kamay pati sa damit. Pinigil ko na ang pag-iyak at sinalubong ang kaniyang titig sa akin.

"Ikaw ang may gawa niyan?" Pinilit kong patatagin ang boses. Nawala ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha. He stared at me blankly.

"Oo, ako nga." Malamig niyang sagot. Napahikbi ako ngunit agad na pinigil iyon.

"Bakit? They don't deserve to be killed like that! That is too much!" I shouted. My tears were non-stop.

"That's fucking not enough! Kahit kailan hindi magiging sobra ang ginawa ko sa kanila dahil kulang pa 'yan! They don't deserve to be killed that fast.." he gritted his teeth. Napuno ng galit ang mata niya. Dati ay lagi kong nasasabi kung gaano kapanganib ang kaniyang aura ngunit wala iyon sa nakikita ko ngayon. Napaatras ako lalo sa takot. His eyes were full of anger and hatred. "They deserve to be tortured slowly. Himayin ang bawat parte nila habang sila'y buhay!"

Napayakap ako sa sarili. I realized how really dangerous he is. Punong-puno ng galit ang kaniyang pagkatao.

"If I was just able to control myself not to kill them that fast.." He added.

Hindi ko na napigilan ang muling pag-iyak. Hindi ako sanay sa ganito. Ang mga sinabi niya ay labis na karahasan. Ang nakita ko ay sobra-sobra na. My system can't digest it. Tunay ngang wala pa akong labis na alam sa buhay. Hindi ko akalain na may nilalang na ganitong klase mag-isip. These are too much.

"Halika na, uuwi na tayo."

Naging mahinahon siya muli. He's now void of emotion. Umiling ako at umatras.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now