Kabanata 40

50K 1.9K 319
                                    

Madness

Naging palaisipan sa akin kung kanino ako itinatago ng bracelet na 'yon. At ano ang dahilan ng matanda na 'yon para ibigay sa akin 'yon? Ngayon ay nasisiguro ko na ang sinasabi ni Gabril na matanda at tinatawag na Nana pati na rin ang nagbigay sa akin ng bracelet ay iisa. What is her reason?

Minabuti kong hubarin 'yon at iwan sa aking jewelry box. Hindi ko alam kung magiging maganda ang epekto noon sa akin o masama kaya mas mabuting hindi ko na lamang iyon susuotin.

Nang buong araw na 'yon ay wala naman kakaibang nangyari. Narito na naman ang kaba sa akin dahil pakiramdam ko ay hinahabol na naman ako ng nakaraan ko na pilit ko ng nilalayuan. Nais ko na talaga magkaroon ng normal na buhay lalo na at may anak na ako. Ayokong mahirapan si Gabril at mapasok sa gulo.

Nang matapos ang trabaho ay agad akong umalis para dumiretso sa pag-uwi. Walang pasok si Gabril kaya hindi ko na kailangan dumaan sa school. Akma na sana akong papara ngunit may umagaw ng atensyon ko.

"Hey," agaw niya ng pansin ko. Bahagya akong tumagilid at tinapunan siya ng tingin.

"Hi, how can I help you, Sir?" Tanong ko. Seryoso siyang tumitig sa akin. Malamlam ang kulay pilak niyang mga mata. Kung hindi lang talaga sila magka-iba ng mukha ay pagkakamalan ko siyang si Makheus.

Sandali akong napapikit nang muli kong mabanggit sa isip ko ang pangalan niya. Matagal na no'ng huli kong bigkasin 'yon. Kahit sa isip ay iniiwasan ko ngunit ngayon ay 'di ko napigilan.

"Finally, nakita na kita."

"Bakit niyo nga po pala ako hinahanap?" Tanong ko.

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Seryoso ang mukha niya ngunit ang mata niya ay tila may ikinalulungkot at napakalamlam.

"I just want to talk with you. Maaari ba 'yon?"

Ilang araw ko na siyang nakita ngunit ngayon ko lang siya nakausap nang ganito. Na walang kinalaman sa trabaho ko.

"Ano ang pag-uusapan? Tungkol po ba sa pagstay niyo sa hotel? May problema po ba?" Takhang tanong ko.

He licked his lower lip na nagpalala ng pagkapula noon. Tumikhim ako at tinitigan siya. Ngunit 'di ko magawang tumagal sa mga mata niya dahil kumikirot ang puso ko.

"It's kind of personal. Can we talk somewhere?" Tanong niya.

Kunwari ay sumulyap ako sa aking relo at umiling nang makita ang oras.

"Dito na lang po tayo mag-usap. Kailangan ko rin umuwi agad," pagtanggi ko.

Mukha siyang maayos. Mahahalata naman 'yon sa pananamit pa lang niya, pagkilos at pananalita. Halatang may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ko pa rin magawang magtiwala agad lalo na sa mga pinagdaanan ko noon.

"Okay, if that's what you want," he sighed.

"Ano po ba ang pag-uusapan?" Tanong ko at sumulyap sa loob ng hotel. Naroon na naman ang mga nagbabantang titig ni Avegale mula sa loob. Hindi ko na siya pinansin at binalik ang tingin sa tao sa aking harapan.

"I just want to ask you something.." His jaw clenched and stared at me intensely. Bahagya akong napaatras dahil pakiramdam ko ay nasusunog ako sa klase ng mga titig niya.

"A-ano 'yon?" Nauutal kong tanong.

"Have we met before?" Kunot ang noo niya at titig na titig sa akin. Ako rin ay nagsalubong ang kilay.

"Una kitang nakita ay dito rin sa hotel," saad ko.

Umiling siya, "Before that? Maybe, long time ago?" He asked again.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now