Kabanata 24

54.9K 2.4K 441
                                    

Roses and Silver

"I think, we need to alis na.." Natigilan ako nang magsalita si Solemn.

Katatapos lamang namin kumain ng umagahan. Master didn't eat with us. Bakante ang pwesto niya. Tinitigan ko si Solemn nang may nagtatakha na tingin. She looks sad, as well as Solana.

"Bakit naman?" mahinahon na tanong ni Siana. Lahat kami ay nakatingin sa kanila.

"Di ba ang sabi ko kay Manong, we will just palipas the gabi. And it's already done. And isa pa, I made away him yesterday," ngumuso siya at yumuko.

"Where are we going na, ate?" Solana asked.

Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang buhok ni Solemn. She looked up and stared at me. Matagal siyang tumitig bago malambing na ngumiti sa akin. Hindi ako sanay sa ganoon niyang ekspresyon dahil mas madalas siyang nakataray. But it melts my heart.

"Saan ba ang tirahan niyo? Ipapahatid ko kayo," saad ko na tila labag sa aking kalooban. It seems like I want them to stay longer. Gusto ko pa sila makasama.

"We're l-lost," saad niya at umiwas ng tingin. Ngumuso siya at pinaglaruan ang maliliit na daliri. "H-hindi namin alam kung saan kami nakatira," she added. Solana stared at me and smiled sweetly.

"Nasaan ang magulang niyo?" I asked.

"Nandi— I mean, hindi ko po alam.."

Kumunot ang noo ko at napasimangot.

"Ano ba 'yan! Bakit nila kayo pinabayaan? Pabaya ba talaga sila sa inyo? You guys are still so young. Paano kung mapahamak kayo?" Inis kong saad. Kapwa nanlaki ang mata ng dalawang bata at umiling.

"Hindi pabaya ang Momma ko. Hindi po. She loves us so much.." Kontra ni Solana.

"Opo. Hindi. Kasalanan namin kung bakit kami napalayo. Pinakialaman namin ang locket niya," Solemn said.

"Locket?" I asked. Nag-aalinlangan siyang tumango bago inilabas ang locket na ginawa niyang pendat sa kaniyang kwintas. Tinitigan ko 'yon mabuti.

"Is this some kind of portal opener? Kaya napunta kayo rito?" Tanong ko.

"Maybe. Solana and I just opened it, tapos may liwanag na parang nihigop us. It's so nakakahilo nga eh. Then napunta na kami sa lugar na 'to," saad ni Solemn.

Hinawakan ko ang locket at akmang bubuksan nang agawin sa akin 'yon ni Solemn. Bahagya siyang namutla na tila kinakabahan.

"B-bakit? Titignan ko lang sana. Baka sakaling malaman natin kung paanong—"

"H'wag na po. Bawal mo makita ang loob. We can't just ruin the happenings. A-at hindi 'to gagagana basta-basta. Siguro hihintayin na lang namin na umilaw 'to again," saad niya at nagmamadali na tinago iyon sa loob ng kaniyang damit.

I sighed. Nagkatinginan kami ni Siana. She smiled at me. Muli kong tinignan ang dalawang bata.

"Kung ganoon, hindi pa kayo makauuwi. Makikiusap ako kay Master na rito muna kayo habang hindi pa nakauuwi," saad ko. Nagliwanag ang mukha nila.

"Really po? Ibig sabihin, makakasama ka pa po namin?" Solana excitedly asked. Napangiti ako at tumango. Solemn giggiled.

"Yeheeey!" she cheered. I smiled.

Kung sakali na kailangan na talaga nilang umalis, hindi ko sila iiwan. Sasama ako sa kanila paalis. Hindi ko yata makakaya na magpagala-gala sila. Gugustuhin ko na walang matirhan kung kasama naman sila. I sighed. Hindi ko alam bakit ganoon kalapit ang pakiramdam ko sa kanila. Ngunit umaasa ako kay Master na hahayaan niya muna ang dalawang ito rito. Sa kwarto ko naman sila patutulugin.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now