Kabanata 18

57.7K 2.3K 762
                                    

Tanong

Because of so much exhaustion, I fell asleep on his arms. Punong-puno nang maraming katanungan ang isip ko. I realized that this man who owns the mesmerizing silver eyes is really mysterious. Puno ng misteryo ang kaniyang pagkatao. Ni ang tunay niyang pangalan ay hindi ko alam. Hindi ko pa naririnig dahil tanging Master lamang ang tawag ng mga nilalang sa lugar na ito.

"Simon? Anong nangyari? Anong nangyari kay Azriella?" I stirred and was awaken by Siana's worried voice. Mabigat ang mata nang hinanap siya ng aking paningin. Tila hindi niya alam ang gagawin. I wanted to tell her that I'm okay but it's hard for me to do so because sleepiness was overtaking.

"She's okay, Siana. Kailangan lang niya magpahinga. Maghanda ka ng maligamgam na tubig at tela para mapunasan ang kaniyang katawan..."

Their voices were not so clear for my ear. Nararamdaman ko ang paglalakad niya, sunod ay ang unti-unting paglapat ng aking likod sa kama. Pinilit ko na ibukas ang aking mata. Natagpuan ko na nakatitig sa akin ang kulay pilak niyang mga mata.

"Take a rest..." he whispered. Binasa ko ang labi at pinilit na manatiling gising.

"S-salamat, Master.." I whispered. Hindi ko alam ang eksakto na dahilan ng aking pagpapasalamat. Maybe because of the fact that he didn't hurt me. O, dahil sa pag-aalaga niya sa akin sa kabila ng mga nasabi ko sa kaniya. Ngunit 'di ko rin masisi ang sarili sa mga binitiwan na salita. I was so shock. Hindi ako sanay at maling-mali sa paningin ko ang pagpatay.

Hindi siya sumagot. Ramdam ko lang ang malalim niyang titig. Sunod-sunod na ang pagpikit ng aking mata ngunit pilit ko pa rin na nilabanan. I heard him sighed.

"Sleep, Azriella. Sleep.."

And like a slave on his master, my body followed it and I fell into a deep slumber. I am aware that I was asleep. Kadiliman lang ang nasa paligid ko. I sat where I was standing. Nagtakha ako nang unti-unting kumalat ang liwanag. My lips parted when I saw a familiar built.

"N-nanay?" bulong ko. Tila naliligaw siya at patingin-tingin sa paligid. Nang magsalubong ang aming paningin ay nanlaki ang kaniyang mata, hindi makapaniwala.

"Patrisha? Patrisha, anak.." she called me. Nanlaki ang mata ko at agad na naglakad. Mabilis din siyang lumapit. My body was slightly shaking because of so much excitement and longing.

"N-nanay!" Agad ko siyang niyakap. Napahikbi ako nang maramdaman ang yakap niya sa akin. Hinigpitan ko ang yakap at binaon ang mukha sa kaniyang leeg.

"Anak...anak ko.."

Sandali akong lumayo at pinagmasdan siya. She touched my cheek. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mukha kasabay ang pagtulo ng mga luha.

"Nanay, totoo ka po ba? This is not just part of my ability, right? Totoo ka po 'di ba?" Sumisigok-sigok kong tanong. She cried harder and nodded. Mas lalong tumindi ang pangungulila ko sa kaniya nang pinugpog niya ng halik ang aking mukha. Puno ng pagkasabik ang hawak at halik niya sa akin.

"Totoo ako anak. Oh god, I can't believe this. I miss you. I miss you so much. Miss na miss ka na namin ni Tatay mo, baby.." she cried. Muli akong sumubsob sa kaniyang leeg. Hindi ako makapaniwala. Ramdam ko ang pangyayari na 'to. Nararamdaman ko na si Nanay talaga ang nasa harap ko, ang yakap ko, ngunit 'di ko alam kung paano.

Kinalma namin ang sarili. Muli ko siyang tinignan at pinagsawa ang mata sa kaniyang mukha.

"P-paano po nangyari 'to, Nanay?" I asked. Bahagya siyang ngumiti habang hinahaplos ang aking mukha.

"Ang alam ko ay nakatulog ako dahil sa pag-iyak. Matagal ko na 'tong sinusubukan. To communicate with you on dream. And now, I succeed. I am so thankful. Gusto kong malaman kung kumusta ka na, kung maayos ka lang ba.." nabasag ang boses niya. Agad kong pinahid ang umalpas na luha mula sa kaniyang mata. My heart is hurting so bad seeing my Nanay crying like this. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong nasasaktan siya kahit 'yon ang laging nangyayari.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon