Kabanata 28

59.3K 2.1K 527
                                    

Lost fragments of memories

Hindi ko maiwasan ang makaramdam nang labis na lungkot. Kada sulok ata ng palasyo ay naaalala ko si Solana at Solemn. Miss na miss ko na ang dalawang iyon. Ang kanilang kakulitan at paglalambing. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang umalis sila ngunit sobra-sobra pa rin ang kalungkutan. The only thing that lessens it, is the fact that they are now with their family. Pangungulila lamang ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang mag-alala dahil tiyak naman na maayos sila sa piling ng kanilang magulang.

I sighed once again. Pinaglandas ko ang palad sa damit upang mawala ang gusot saka ito itinupi. Nakabalik na si Siana sa palasyo. Nalungkot din siya nang malaman na nakauwi na ang dalawa. Lalo na't hindi man lang nakapagpaalam. Hindi ko talaga inakala na sa araw mismo ng aking kaarawan ang pag-uwi nila. I was so happy that day, ngunit sa pagtatapos noon ay nauwi rin sa lungkot.

Natapos ako sa pagtutupi kaya inilagay ko na ang mga damit sa cabinet, saka napagpasyahan na lumabas. Pinigil ko na mas makaramdam pa ng lungkot sa tuwing naaalala ang dalawa. They made me happy. And their memories with me should make me happy. Hindi dapat 'yung ganito na sa tuwing naaalala ko sila ay nangungulila ako. Aasa ako sa pangako nila na makikita ko silang muli.

"Magandang umaga, ate Ganda!"

Sinalubong ko ng yakap si Simon. Si Morphy ay nagpaikot-ikot sa aking paa na tila naglalambing kaya hinaplos ko ang kaniyang ulo bilang pagbati.

"Magandang umaga rin," matamis akong ngumiti sa kanila.

Pinaghila ako ng upuan ni Simon saka siya bumalik sa kaniyang upuan. Si Siana ay bumati rin sa akin habang naghahanda ng agahan.

"Darating maya-maya si Froilan, naaalala mo pa ba siya?" Tanong ni Siana. Sandali akong napaisip nang marinig ang pamilyar na pangalan. Naalala ko ang lalake na kasama nila sa kanilang tahanan noon.

"Ang iyong pamangkin?" tanong ko. Nakangiti siyang tumango.

"Dala niya ang mga prutas, gulay, at iba pang hilaw na pagkain na kailangan dito sa palasyo," aniya. Napatango ako.

Magsisimula na kami kumain ngunit wala si Master sa kaniyang pwesto. I sighed. Hindi namin alam kung nasaan siya. Labis talaga siyang misteryoso. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko pa rin siya labis na kilala. Tila ba'y naglalagay siya ng harang sa pagitan namin. Kahit anong lapit namin ay ramdam ko ang kaniyang paglayo. Sa kabila ng kaniyang minsan ay matatamis na salita, sa halik niya noon, at pagprotekta sa akin ay isa pa rin siyang estranghero. It feels like he's entering my personal space, my system and my life, but he's so unfair to build a strong wall when it's my turn to know him more.

Kami na lamang ang kumain ng umagahan. Ngunit hindi pa nangangalahati ay narinig ko ang pagtawag sa ngalan ni Siana. Mabilis na tumayo ang ina ni Simon at tumungo sa tarangkahan. Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa naramdaman ko ang kanilang presensya malapit sa amin.

"Magandang umaga," bati ng mahinahon na boses. Nilingon ko ito at naabutan na nakatitig sa akin. I smiled and nodded.

"Magandang umaga," saad ko.

"Halika na, Froilan. Kumain ka ng agahan. Mamaya na idala ang mga pagkain sa kusina," aya ni Siana. He nodded and pulled a seat beside me. Umayos ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain.

"Kumusta ang biyahe?"

"Tila may bagyo sa baba, Aunt Siana. Ngunit nakapagtatakha na maayos naman dito sa taas," he chuckled. "Mahina lang ang pagbagsak ng niyebe rito at maganda ang panahon," dagdag pa niya.

"Kung ganoon ay pumarito ka muna. Tiyak na papayag naman si Master lalo na sa uri ng panahon sa baba. Mas lalakas ang bagyo mamaya at mapaano ka pa," saad ni Siana.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now