Kabanata 37

47.6K 2.1K 403
                                    

Papa

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan siya. He looks worried when he saw tears coming out from my eyes. Ang maliliit niyang kamay ay inabot ang aking mukha at agad na pinahid ang mga luha.

"Bakit iyak, Momma? Am I the one who made you cry? Sorry, sorry po.." mabilis niya akong niyakap at hinaplos-haplos ang likod ko gaya ng ginagawa ko sa kaniya kapag siya ang umiiyak. Lalo akong napaiyak sa kainosentehan niya.

"Oh, Gabril..anak," I cried and hugged him even more. Natahimik siya at nagpatuloy sa marahan na paghaplos sa aking likod.

My son is so innocent. His intentions are just so pure. Siya pa ang humingi ng tawad sa bagay na kasalanan ko naman, kasalanan namin ng kaniyang ama. At nakararamdam ako ng galit sa sarili. I don't deserve him but I just love him so much.

"Momma, sorry po. H'wag na cry please.." he whispered. Mariin akong napapikit. He doesn't deserve this. Ang pagtaguan ng katotohanan. Kahit bata pa siya alam kong malawak ang pang-unawa niya. Naunahan lang ako ng takot dahil ako mismo, hindi alam kung paano sasabihin.

How could I tell him about his father when I can present no one? How could I explain it well when he has no idea about what father is? And how could I explain it to him, slowly and from the start when I know I might not be able to finish it? Paano ko matatapos ang paliwanag kung hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang katotohanan na ginusto ng ama niya na patayin siya?

Nanlamig ako kasabay ng alaala ng malamig na gabing 'yon.

I was hopeless. Hindi ko nagawa ang utos ng matanda na hanapin ang Mahusay Vill. Matapos niyang sabihin na sumpa ang aking anak, hindi ko na magawang magtiwala pa. Nagawa niyang isipin iyon sa inosenteng buhay na nasa aking tiyan, sigurado ako na higit pa roon ang kaya niyang gawin. At sa kaniya na mismo nanggaling. Paano kung dahil sa mali niyang iniisip ay naisin niya akong patayin bago pa mailuwal ang sanggol at maisasagawa niya 'yon kung susundin ko siya. Kaya kailangan kong umiwas.

Napagpasyahan ko na umalis sa mundo ng mga tao. Pinag-isipan ko pa kung sa palasyo namin. Ngunit agad ko 'yon inalis sa isipan nang maisip na magdudulot ng gulo ang sitwasyon ko. Magtatanong sila kung sino ang ama ng batang 'to. Makapangyarihan ang mga naroon at magiging malaking gulo kapag nalaman nila na demonyo ang aking naging kasiping.

Kaya roon ako sa walang nakakakilala sa akin. And I was even thinking about saying it to Makheus. That he got me pregnant. Wala akong pakialam kung pananagutan niya o hindi, kung tatanggapin o hindi. Ngunit nais kong hingiin ay proteksyon mula sa kaniya. Dahil tila bumabagabag sa aking damdamin at binubulong ng hangin na may sumusunod sa aking panganib lalo na sa aking dinadala. And Makheus, he's powerful and he can protect us.

Ginamit ko ang locket upang malaman kung nasaan siya at dinala ako nito sa naging paraiso namin. Ang lugar na naging saksi ng pagpapakita namin ng pagmamahal sa isa't isa. Nakaupo siya sa dulo ng talampas at tulala sa buwan. Natulala rin ako roon at napansin na wala ang mga makikinang na bituin. May kung ano ring lungkot sa simoy ng hangin.

"Makheus.." bulong ko.

Nakita ko kung paano siya nanigas sa kinauupuan. At mabilis akong nilingon kapagkuwan at tila natataranta na tumayo at tumakbo papunta sa akin.

"Azriella!" tawag niya sa akin. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko inasahan ang mainit niyang pagsalubong. Matagal na yakap bago niya hinawakan ang magkabila kong pisngi.

His silver eyes were sad, and staring at me lovingly. Naipon ang luha sa gilid nito.

"Why did you left? Bakit mo ako iniwan?" Hinang-hina na saad niya. Nakagat ko ang labi nang maramdaman ang sakit sa tanong niya.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon