Kabanata 23

56K 2.6K 1.2K
                                    

Protect

Pagdating namin sa palasyo ay maraming handa na pagkain. Sa bayan sana kami kakain ngunit napagpasyahan ni Master na rito na lamang dahil naalala niya na laging naghahanda si Siana sa tuwing babalik siya mula sa bayan. At tama nga dahil pagdating namin ay napakaraming pagkain sa hapag. Tila nakasanayan na 'yon ni Siana, at kahit hindi na pagsabihan ni Deliah ay alam na niya ang dapat gawin.

"Kumusta?" Magiliw na tanong ni Siana sa amin pagdating. Yumuko siya sandali kay Master bago niyakap ang kaniyang anak na si Simon. Agad naman itong yumakap pabalik.

"Ayos naman kami, Ina. Ikaw po? Marami pong binili si Master para sa atin!" saad ni Simon at hinagkan ang kaniyang ina sa pisngi. Siana smiled.

"Maayos naman, anak." Aniya at hinarap si Master, "salamat Master sa mga pasalubong. At maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko. Sana ay hindi siya naging makulit," nahihiya niyang dagdag. Tumango lamang si Master bilang sagot.

Napatingin kami sa gawi ng dalawang batang babae nang makarinig nang mahihinang tili. Solana is currently hugging her sister tightly while watching Morphy. Paikot-ikot ito sa kanilang dalawa. Si Louisianna naman ay niyakap pabalik ang kapatid na tila poprotektahan at hinaplos ang buhok nito.

"H'wag ka ma-scared. Look, it's just a puppy."

"Ate, baka kagat ako niya.." takot na saad ni Solana habang binabantayan ang bawat galaw ni Morphy.

"Morphy.." saway ni Siana, "h'wag mong takutin ang mga bisita."

Hindi ito nakinig at lumapit lalo kay Solana. Napagikbi ito at agad nagbadya ang luha sa bilugan niyang mga mata. The side of her lips were tugged downward.

"Hey! Shuuu! Stop scaring my sister! Shuu!" Pagtataboy ni Solemn at nilagay sa likod ang kapatid.

Napailing si Simon at binuhat si Morphy. Hinaplos-haplos niya ang katawan nito at inamba sa dalawa.

"Hindi siya nangangagat. Mabait si Morphy.." saad ni Simon.

"Eh, basta! Ilayo mo 'yan sa amin. Lalo na kay Solana!" Pagtataboy ni Solemn.

"Mabait 'to. Gusto niya kayo kalaro."

Biglang sumilip si Solana at inosenteng tumitig kay Simon.

"Like playmates po? Lalaro kami?" Tanong nito. Tumango si Simon at napangiti nang unti-unting umalis mula sa likod ng kaniyang ate si Solana.

Kumunot ang noo ni Solemn at napanguso.

"I can be your playmate, Solana! H'wag ka makipagplay sa iba. Lalo na sa isang 'yan? What if he kagat you?"

"Hindi nangangagat si Morphy. Mabait siya," kontra ni Simon.

"Basta!"

"Laro natin sila, ate. I don't have other playmate, just you. Ikaw may ibang friends. Ako wala," nakanguso na saad ni Solana. Hinarap niya si Simon at Morphy. "Can we be friends? Sabi ni Momma, bait ako."

Nagliwanag ang mukha ni Simon at tila natuwa rin si Morphy. They both nodded. Napasimangot naman si Solemn. Hinarap niya ang bunsong kapatid at hinaplos ang mukha nito.

"Basta ako pa rin best friend at best playmate mo, ah? H'wag mo ko ipagpalit!" Aniya. Agad naman tumango ang bata.

"But before that, we should eat first." Saad ni Master. Bigla naman nagliwanag ang mukha ng dalawang bata.

"Yeheeey! I'm super gutom na rin, eh! There are already hungry dragons on my tiyan," ani Solemn. Nanlaki ang mata ng kapatid at napatingin sa tiyan ng ate.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now