Kabanata 11

59.5K 2.1K 172
                                    

New place

Sa bawat pagmulat ko ng mata mula sa malalim na kadiliman, pag-asa lang ang aking kinakapitan. There is no assurance that I'll be alive after waking up from the deep slumber. Sandali pa lang ako nawala sa palasyo na 'di sinasadya ay marami na akong naranasan. Kaya ang paggising ay wala ng kasiguraduhan. But I must be lucky, I think. Because now, I'm sure that I am still alive.

Madilim ang kwarto na kinapaparoonan ko. Agad akong umupo at dinama ang malambot na kinahihigaan. I am on a queen-sized bed that is too big for me. Makapal na kumot ang nakapatong sa aking katawan. Mataas ang pader ng kwarto na aking kinalalagyan at tanging kulay ng bulok na rosas ang nakalapat na kulay sa bawat kagamitan. May kakaunting kulay lupa at itim. But color maroon is the dominating one.

Natatakpan ng makakapal at mabigat na kurtina ang bintana. Ngunit kahit ganoon, ramdam ko ang lamig ng paligid. And the emptiness is on the air. Tila walang buhay ang paligid, despite of the luxuriousness of the things around. Tumayo ako at kinuha ang gasera na nasa tabi. It is color black and the design is undeniably elegant. Nagiging anino ang mga detalye nito dahil sa liwanag na nagmumula sa apoy sa loob. Hawak ang manipis na bakal bilang handle ay naglakad ako. I am only wearing a maroon silky robe. I pulled the door and started to wander.

Napatanong ako at napaisip kung nasaan nga ba ako. I tried to recall what happened that lead me to this place. Natigilan ako nang maalala si Morphy. Nasaan na nga ba siya? Ang huli kong naalala ay buhat niya ako sa kaniyang likod at may kasama siyang bata na lalake. I sighed and continue walking. Madilim ang pasilyo. Ang lamig ng sahig sa bawat pagtapak ng aking hubad na paa ay nagdagdag sa lamig na nararamdaman. It sents chill on my spine.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar. Gamit ang malamlam na liwanag mula sa gasera, nakita ko ang pababang hagdan sa dulo ng hallway. Tinahak ko 'yon nang dahan-dahan at puno ng pag-iingat. I should never let my guard down. Hindi ko alam ang lugar na kinaroroonan ko. At kahit ano man na sandali ay maaaring may sumugod sa akin na kalaban.

Ilang hagdan pa ang aking tinahak bago ko nakita ang sala. The place was really dim. Tanging mga malalamlam na liwanag mula sa magagandang gasera sa gilid ang nagbibigay ng liwanag. The coldness is undeniable. Kapansin-pansin ang kalumaan ng mga kagamitan sa paligid, but despite of it, the things around shout wealth and luxury. Ang mga kagamitan sa paligid ay halatang yari sa mga matitibay at mamahalin na kagamitan na tila ba sinadya upang magtagal sa habang panahon. Each detail was made well.

Nilapat ko ang daliri sa ibabaw ng maliit na mesa. Walang ni-munting alikabok. Malinis at makinis. Sa aksidenteng pagtama ng liwanag dahil sa paggalaw ng apoy mula sa gasera ay bahagya iyon na kumikislap. Ang mga upuan ay makikitaan nang labis na katibayan at tila hinanda upang upuan ng mga nilalang na may matayog na katayuan sa lipunan.

I can compare this place to our palace. But on the atmosphere, it is the exact opposite. Bawat sulok sa palasyo ay may sigla. Ang mga kulay sa kapaligiran ay buhay na buhay. Kabaligtaran sa lugar na 'to. Napakatahimik. Sobrang tahimik ni kahit ang hangin ay tila takot na gumawa ng ingay sa bawat paghampas. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kaliit sa loob ng lugar na 'to. Hindi ko pa man nakikita ay alam kong napakalaki nito at mataas. Maikukumpara sa palasyo.

Ngunit wala akong maalala na ibang palasyo maliban sa Bloodstone Palace. Kaya nakararamdam ako ng kaba sa katotohanan na 'yon.

Halos mapatalon ako nang may malamig na kamay na humawak sa aking braso. Hinarap ko 'yon at napaatras. A woman who has a very thin body, blocked my view. Napakapayat niya, itim na itim ang mga mata na tila walang buhay. Napakaputla ng balat at itim ang suot na damit na pang-kasambahay. I pushed her hand away. Hinaplos ko ang braso at naramdaman ang paninindig ng balahibo.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now