Kabanata 1

92.4K 2.9K 550
                                    


Sino ka?

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit sa buhay. Iyon ba 'yong lumaki ka nang mag-isa at walang kasama o iyong may pamilya ka naman pero pakiramdam mo ay mag-isa ka.

Ano man sa dalawa, ang alam ko ay malungkot ako. I always want to be happy. Ngunit masyado sigurong mailap sa 'kin ang kasiyahan.

"Hindi ba dumating si Kamila?" tanong ko kay Lezlie, isa sa kambal na matagal ng nagsilbi sa palasyo. I look around, trying to see a glimpse of Kamila. Tapos na ako mag-umagahan ngunit wala pa rin siya. Dapat sa pagmulat ko ng mata, nakita ko na siya. Iyon ang nakasanayan ko.

"Wala pa po, Mahal na Prinsesa," yumuko si Lezlie. I sighed and ran my fingers through my hair.

"S-sila Nanay at Tatay?" tanong ko. Sandali siyang nag-angat ng tingin upang tignan ako at muling yumuko.

"Magkasama po sila, kasama ang hukbo upang-"

"Hanapin ang kakambal ko." Ako ang nagtuloy. Tipid siyang tumango. Pilit akong ngumiti saka tumango.

"Sige..salamat," I murmured. Tinalikuran ko na siya at lumabas ng palasyo. Mabilis kong tinungo ang hardin at umupo sa upuan na naroon.

Ito lagi. Tuwing umaga, hindi ko na sila naaabutan. Umaalis sila araw-araw para hanapin si Dustin, ang aking kakambal na nawawala. Halos iilan lang din ang naiiwan na kawal dahil dala nilang lahat. Hindi na ako mabibigla kung mapapasok ang kaharian kapag may mga kalaban na sumugod.

I smiled bitterly. They already forget me.

Wala namang problema sa 'kin. I badly want to see my twin brother again. I love him so much. Walang problema kung nangungulila sila sa kaniya dahil maging ako ay ganoon din. Walang problema sa akin kung hanapin nila ang kambal ko. Pero sana naman makita na nila ako. Sana naman mapansin nila ako. At higit sa lahat, sana maalala nila na may isa pa silang anak. Na nandito pa ako, mahal ko sila at miss na miss ko na sila.

I guess, this will be a long day. And I will spend it all alone. I don't have class for today. Araw ng Sabado. I'm homeschooled. Sa totoo lang, ayoko nito. Ayokong dito mag-aral sa bahay. Gusto ko maranasan ang magkaroon ng kaklase tapos makaka-encounter ako ng iba't ibang klase ng teacher. Tapos hindi ako gagawa ng assignment at mangongopya ako sa kaklase ko.

Nababasa ko lamang iyon sa mga libro. But I'm craving to feel that. Gusto ko na kahit minsan, maging normal ang lahat sa 'kin. Dito kasi kapag may klase ako, special treatment. Halos hindi makapag-kunot ng noo ang teacher sa 'kin dahil sa takot sa mga magulang ko. Pero kahit sungitan niya naman ako hindi malalaman nila Tatay at Nanay. And I would love that.

Gusto ko pumasok sa normal na school. Tapos 'yong mga classmate ko ibubully ko tapos ipapatawag sila Tatay at Nanay, tapos papagalitan nila ako at kakausapin! Nanlaki ang mata ko sa naisip. I will try to talk to my parents again. Baka payagan na nila ako.

Napangiti ako at pumalakpak.

Paano ako mang-bubully? Ah, sisipain ko ang kaklase ko o kaya susuntukin sa bibig. Tapos, tapos hindi sila gaganti since I'm their princess!

Humagikhik ako at muling napapalakpak.

"Ang talino ko talaga!" I giggled.

Natigil ako sa pagpalakpak nang lumitaw sa harap ko ang isang bulto. My lips parted and slowly look up. Naagaw agad ng itim na cloak na suot niya ang aking paningin. Umangat pa ang mata ko hanggang dumako ang tingin ko sa kaniyang mukha. Halos matakpan ng hood ng cloak ang kaniyang mukha. Hindi ko 'yon maaninag nang maayos.

"S-sino ka?" I asked. I can't determine if he's a guy or girl. But if I'll look on the body, it is masculine. He's a man.

"What are you planning now, huh?" His baritone voice filled my ear. I shivered. Pakiramdam ko ay namutla ako at nanghina.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now