Kabanata 38

49.2K 2.1K 367
                                    

Eyes

He's dead. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa katotohanan na 'yon. Hindi ko mapangalanan kung ano ang itatawag sa puwang na nararamdaman ko sa puso ko. He became part of me. I loved him. Siya 'yung unang nagparamdam sa akin nang ibang klase na pagmamahal at siya rin 'yung sinaktan ako na dumating sa puntong durog na durog ako.

Kung wala na talaga siya, ibig din bang sabihin no'n ay hindi siya ang aking mate? Dahil kung siya, dapat matagal na akong wala. But is it even possible to love someone who's not your mate?

"Imposible yata 'yan, kuya. Why I am still alive?"

"Is he even your mate, Pat?" Sinulyapan niya ako at muling binalik ang tingin sa daan.

Malalim akong nag-isip. Bakit tila hindi 'yon matanggap ng isip ko. And why my heart is aching now? Bakit may ibang sakit itong nararanasan ngayon.

"Or if he's really your mate.." he clenched his jaw as he started to park the car. "Maybe we are exempted on the rule. Hindi ko rin alam, Pat. Ngunit base sa nakwento sa akin ay hindi tayo purong bampira. At ramdam ko rin na hindi bampira ang lalakeng 'yon."

Tila may bumagsak na pag-asa sa kalooban ko. Hindi ko maintindihan 'yon ngunit may tila traydor na pakiramdam sa aking puso. I am mad at him, sa mga sinabi niya noon sa akin patungkol sa anak namin. Kaya hindi ko dapat ito maramdaman.

Sa mga sumunod na linggo ay palagi iyon na bumabagabag sa akin. Iniisip ko na lang na normal lang ang sekretong pagdadalamhati ng aking katauhan dahil siya ang una kong minahal maliban sa aking pamilya. Sa tuwing nakikita ko si Gabril ay nakakaramdam din ako ng sakit dahil alam ko na wala na siyang pagkakataon na makita ang kaniyang tunay na ama. Though for now, ang alam niyang ama niya ay si kuya Dustin. Nais ko man na baguhin na iyon at sabihin ang totoo ngunit duwag ako. Natatakot ako na makita siyang umiiyak at nasasaktan kapag nalamann niyang hindi si kuya ang ama niya, and worst, that his real father is dead.

Papayag na akong tawagin na sinungaling kung katumbas nito ay kasiyahan ng anak ko. Hindi ko mahanap ang tamang tiyempo para sabihin sa kaniya ang totoo dahil takot ako. Duwag ako at mahina. Sa ngayon ay walang ginagawa kung hindi sumabay sa daloy ng mga pangyayari.

Ilang linggo pa ang lumipas at pumapasok na rin si Gabril sa pre-school. Doon ko na siya pinapasok sa paaralan kung saan nagtatrabaho si kuya. Maganda rin doon. Maayos ang lugar at mas panatag ako dahil malapit lamang siya kay kuya.

Ako na rin ang sumusundo sa kaniya mula sa trabaho at habang wala pa ako ay roon siya nananatili kay kuya dahil sakto rin na bakante siya at hindi nagtuturo sa mga oras na 'yon. Sa tuwing madadatnan ko siya ay napakasaya niya habang kasama si kuya.

"Uuwi ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Maricon. Tumango ako at nagmamadali na inayos ang mga gamit. "Pumasok si Gab?"

"Oo, Maricon. Susunduin ko siya ngayon," saad ko.

"Ay! Sige na. Mag-ingat!" Aniya. Kumaway ako sa kaniya at mabilis na naglakad paalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lazaro ngunit kinawayan ko na lamang siya at 'di na pinansin pa.

Habang nasa jeep ay binuksan ko ang aking cellphone. Hindi kasi namin ito maaaring gamitin habang nasa oras ng trabaho. Agad kong binuksan ang mensahe na galing kay kuya nang makita iyon sa notification ko.

From: Kuya

'Pat, I left Gabril to the playground inside the school. Don't worry, may nagbabantay sa mga bata na naroon. There's an emergency that I need to attend. I'm sorry but I assure you that he's safe. '

Kumunot ang noo ko. The message was 40 minutes ago. I sighed at halos gustuhin nang lumipad patungo roon. I'm assured naman dahil maganda rin ang quality ng security doon at totoo na may bantay ang mga bata. And I trust Gabril, mas kaya niya ang sarili niya kumpara sa mga normal na bata. Ngunit 'di rin mawala sa akin ang pag-aalala.

Beauty and the DemonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu