Kabanata 46

53.2K 2.8K 869
                                    

New beginning

Hindi na ako nakapagpaalam kay Siana at Simon. Matapos mabasa ang sulat sa akin ni Makheus ay halos ilang oras akong tulala at lumuha sa lugar na 'yon. But after that, I stood and planted on my heart and mind to be strong. Babalik si Makheus. At kailangan ko ng ayusin ang lahat.

Hindi ko alam kung paano naging posible ngunit tila hinanda na ng kung sino, dahil inisip ko lamang ang silid ni Gabril ay napunta na ako roon mula sa kabilang mundo. At nadatnan ko ang aking anak na nakaupo sa sulok ng kwarto at mahinang humihikbi. Agad na kumirot ang puso ko at tinakbo ang aming distansya. Niyakap ko siya nang mahigpit at alam kong nagulat siya.

"Momma? Are you real?" namamaos ang kaniyang boses. Inilayo ko nang bahagya ang sarili at nakita ang mukha niyang punong-puno ng luha. His cheeks are now red as well as his nose.

"Yes. Si Momma 'to. Bakit umiiyak ang mahal ko?" nabasag na rin ang boses ko nang maramdaman ang labis na pangungulila sa kaniya.

"Momma!" he cried harder and hug me tighter. Sumubsob siya sa dibdib. Tumingala ako at hinaplos ang kaniyang ulo pati ang likod. "Thank you because you're here now. Napanaginipan ko po, someone is chasing after me. Kukunin nila ako, Momma. Saan ka po ba nanggaling?" he cried.

"I'm sorry, baby. Hindi na ako mawawala. At walang kukuha sayo dahil hindi papayag si Momma. Hinding-hindi papayag si Momma na magkalayo pa tayo muli," bulong ko.

Natigilan ako nang may malakas na katok akong narinig. Kasunod no'n ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Fleur. Nanlaki ang mata niya nang makita ako at tila naluluha ngunit agad na napailing.

"Ate! Mabuti nandito ka na! Kailangan na natin tumakas. Kailangan nating ilayo si Gabril dito!" Aniya at ini-lock ang pinto.

Tumayo ako habang karga si Gabril at lito siyang tinitigan.

"Anong nangyayari? Nasaan sila Nanay?" I asked her. Napailing-iling siya.

"Kanina ay may pumunta rito na apat na bampira. Kinausap nila ang hari at reyna. At sigurado ako ate, habang nag-uusap sila ay sinulyapan ako ng reyna habang nakatago ako. Nakita ko ang kaba sa mukha niya at tila may gustong sabihin sa akin ngunit may humarang para makapunta sa akin ang mensahe. Pero sigurado ako na may panganib, ate!"

"Nasaan na ang nanay at tatay ko?" tanong ko.

"Isinama sila!"

Nakaramdam ako nang labis na kaba sa sinabi ni Fleur. Kung gano'n ay may hindi magandang mangyayari nga. Sino ang apat na bampirang iyon at nagawa nilang pasamahin ang hari at reyna?

"Is there a problem, Momma? Yaya?" singit ni Gabril. Umiling ako sa kaniya at hinagkan siya sa noo. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya.

"Ate, ano ang gagawin natin?"

"Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Pero kung nasa panganib si Nanay at Tatay ay kailangan ko silang matulungan. But at the same time, I need you and Gabril to be safe. Aalis tayo rito at hahanap ng lugar na ligta-"

Naputol ang sasabihin ko nang lumitaw sa harap namin ang apat na bampira. I stared at them and sense too much arrogance from them. Dalawang lalake at dalawang babae. Pare-parehong mga elegante ang kanilang mga postura at ang mga mukha ay walang emosyon. Sabay-sabay silang yumuko saglit at muling tumuwid ng tayo. Agad na dumiretso ang titig nila sa aking anak kaya napaatras ako.

"Sino kayo? At anong karapatan niyo na pumasok na lamang sa isa sa mga silid dito sa palasyo?"

"Ibigay mo sa amin ang bata na nasa bisig mo, Prinsesa," saad ng isa. And I want to laugh sarcastically. How ironic that they have the guts to call me princess while demanding me without thinking about the meaning of my title.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon