Kabanata 29

56.1K 2.2K 682
                                    

Premonition and Connection

Hindi ko mapigilang maging matamlay sa tuwing naaalala ang aking panaginip. Wala na iyon sa aking alaala ngunit malakas ang kutob ko na parte iyon ng nakaraan ko. At kung aanalisahin, malamang 'yon ang dahilan kung bakit nawala si Kuya Dustin. Now, I want to know, who removed my memories. Sa ngayon ay hindi ko pa rin naaalala ang pangyayari na 'yon. Nakabase pa rin ako sa nakita kong panaginip. And I feel so frustrated. I badly want to remember everything.

Sandali akong natigilan sa pagkatulala nang makita si Makheus na pababa sa hagdan. I sighed and stared at the wall again. Wala akong magawa na bagay kaya ngayon ay nalulunod ako sa pag-iisip. Ang daming misteryo na nangyayari at nagbabalik. Ang sekreto ng kahapon ay nagpaparamdam sa akin muli.

"Hey."

I sighed once again and glanced at Makheus who's in front of me. Tinanguan ko siya at muling tumitig sa pader. Kahit si Makheus ay malaking palaisipan na rin sa akin. Tila sasabog ang utak ko sa maraming katanungan at nakababaliw dahil wala akong makuha na sagot.

"Kumusta?"

Mariin akong napapikit at kinamot ang pisngi. Nakaiirita kapag ang daming tanong sa utak at hindi naman mabawasan dahil walang sagot. Pakiramdam ko ay sinasadya ng tadhana ang lahat ng 'to at may gusto sa aking iparating. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan at malaman. Napalabi ako at muling natulala sa pader.

Ngunit napaigtad ako nang sumabog at gumuho ang parte ng pader na tinitignan ko. Nanlaki ang aking mata at napatayo.

"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko. Pati si Siana na nasa kusina ay mabilis na tumungo sa sala, marahil narinig ang pagbagsak ng mga tipak ng semento.

"Bakit nawasak 'yan?" Siana asked and eyed me.

"Now, can I have your attention already?"

Gulat akong napatingin kay Makheus na malamig na nakatitig sa akin. Sinulyapan ko ang pader at muling tumingin sa kaniya.

"I-ikaw ang may gawa no'n?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes."

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinira!?" Nanlalaki ang mata na tanong ko.

"Yes, maybe I am. Ngunit kung 'yon ang paraan para makuha ang atensyon mo, bakit hindi?" Seryoso niyang saad. Nag-init ang aking pisngi at napailing-iling. Anong klaseng utak ba mayroon si Makheus? Kakaiba mag-isip!

Si Siana ay nangingiti na umalis habang napapailing. Tinignan ko si Makheus at muling napailing.

"Baliw nga. Para 'yon lang," saad ko.

"Kanina pa ako narito ngunit nakatitig ka lamang doon. You should always remember this Azriella, I'll do everything to get your attention. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lahat ng may kinalaman sayo, lahat ng bagay at ikaw mismo," seryoso niyang saad.

Napalunok ako at napatitig sa kaniya. It feels like I am burning under the stares of his silver eyes. May kakaiba akong naramdaman. Siguro ay munting kilig ngunit hindi ko alam kung bakit may bahid ng takot.

"M-makheus, you sounds like an o-obsessed freak. T-tigilan mo nga 'yan," naiilang na saad ko. Noon pa naman ay kung anu-ano ang mga nasasabi niya at siguro, kinikilig ako sa mga linya niya. Ngunit ngayon ay may kakaiba. Siguro ay dahil na rin sa dami ng iniisip ko. I sighed. Naabutan ko siyang titig na titig pa rin sa akin.

"H'wag mo a-ako titigan ng ganiyan," saad ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi dahil sa nakatutunaw at nakakikilig na paraan. Nagtataasan ang aking balahibo at tila kaba ang nanunuot sa sistema ko.

Umiwas siya ng tingin sandali at muling tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Napaigtad ako sa lamig noon. Gusto ko man bawiin ngunit mahigpit ang kaniyang hawak

Beauty and the DemonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora