Kabanata 13

56.4K 2.1K 341
                                    

Silver eyes

I was stunned with the fact that their so-called 'master' is at my back. Tila nataranta si Siana at biglang umiwas ng tingin, bahagyang yumuko at tumingin sa kung saan-saan.

"A-ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo, Master?" Siana asked again. I am so curious why she's acting like that. Nakatatakot ba ang hitsura ng master nila? Labis na malupit at matapang?

Dahan-dahan akong umikot upang tignan siya. But I need to look up because his clothed chest was the one who blocked my view. My lips parted a bit upon seeing his face.

Ang una kong napansin ay ang kulay pilak na pares ng kaniyang mga mata. They were directly piercing into mine, it feels like they are seeing my soul and reading my mind. His eyes were more accentuated by thick and curvy eyelashes. Sa loob ng ilang segundo ay tila nakulong ako sa isang dimensyon at ang tanging nakita ay ang kamangha-mangha niyang kulay pilak na mata. Napakurap ako at tinikom ang labi. Pinaglakbay ko ang mata sa kaniyang mukha na may perpektong hugis. His jaw is aristocratic and stubborn. Umigting iyon nang ilang ulit na tila may kinokontrol na emosyon ang may ari. His nose was narrow and sharp. My eyes trailed down on his thin lips. Depinang-depina ang pagkapula nito na tila sariwang dugo dahil sa napakaputi niyang balat.

After checking each part, I stared on his whole face. His clenching jaw, thick eyebrows, and stormed eyes made him the most ruthless and merciless looking man I ever seen.

I became conscious again with my surrounding. Bahagya akong napaatras at napakurap. Nanlaki ang aking mata at bumilis ang tibok ng puso. He's hiding it. But I was able to feel it. Ramdam na ramdam ko ngayon ang napakalakas niyang awra. And his aura and mine seems incompatible. I gritted my teeth and tried to stay still. Kumurap siya na tila nararamdaman din ang aking nararamdaman. His lips parted. Napaatras din siya at ganoon muli ako. Naningkit ang aking mata sa panggigigil na labanan ang kung ano na tumutulak sa akin palayo. Umigting ang kaniyang panga at pumikit nang mariin.

"Calm down, Azriella.." A baritone voice echoed on my mind. Hinanap ko kung saan 'yon nagmula ngunit hindi ako nakapagpokus dahil sa lakas ng pwersa na tumutulak sa akin palayo.

"Breath in, breath out. Calm down and hide your aura like what you're doing earlier.." muli kong narinig. Hindi ko na inisip pa kung saan 'yon nagmumula. Naririnig ko ang nag-aalalang pagtatanong ni Siana ngunit ko 'yon pinansin. I closed my eyes and concentrated on myself. Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit tila lumabas ang tinatago kong aura. But I need to hide it as soon as possible. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari ngayon.

Nagmulat ako sandali upang tignan ang lalake. Blangko ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin ngunit paulit-ulit ang pag-igting ng panga. Pumikit ako at pinilit na kalmahin ng sarili. I gathered all my strength and tried to push it inside me. Pakiramdam ko ay may nagwawala sa kalooban ko, namimilit na lumabas. I swallowed hard and tried harder.

"Anong nangyayari, Azriella? Anong nararamdaman mo?" Narinig kong tanong ni Siana.

"Anong nangyayari, Aunt?"

Sa wakas ay humihina na rin ang pwersa. Hinihingal akong nagmulat at agad na umupo sa kahoy na upuan. May inabot sa akin na baso ng tubig. Siana caressed my shoulder and touched my cheeks.

"Anong nangyari? Bakit tila nahihirapan ka kanina?" Tanong niya. I stared on her worried face and shook my head.

"Hindi ko rin alam, ngunit h'wag ka ng mag-alala. Ayos na ako," I answered. Agad akong uminom ng tubig. Matapos ay inabot 'yon kay Froilan at sandaling natulala.

What just happened? Ano ang nangyari? Bakit tila may tumutulak sa akin kanina palayo mula sa kaniya? Dumako ang tingin ko sa lalake na nananatiling nakatayo at nakatitig sa akin. Nanunuri ang kaniyang mga mata. Nang magsalubong ang aming mata ay kumunot ang kaniyang noo. He didn't break the contact, at ako na ang sumuko.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now