Kabanata 44

47K 2.4K 422
                                    

Roses

No one knows how many chances we can receive on this life. Kaya tumatak sa isip ko na sa tuwing makatatanggap noon ay hindi dapat sayangin. Lalo na kung panibagong buhay ang ibinigay sayo. Hindi na dapat ito hayaan na maging walang halaga. Make it to the fullest.

Malaki ang paniniwala ko na muntik na 'yon ikatapos ng buhay ko. What that creature did is near on ending my life. Nagawa nilang pigilin ang paggamit ko ng aking kakayahan at pakiramdam ko ay alam nila na hindi ako basta-basta kaya ang ginamit sa akin na latigo ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay ko.

Kung hindi dumating si Dmitri.

Nakatatawa man isipin dahil mamamatay rin naman ako sa mga kaniyang kamay ay nagpapasalamat pa rin ako na iniligtas niya ako mula roon. Ibig sabihin ba noon ay namimili ako ng papatay sa akin? I laughed mentally. Siguro hindi. Pakiramdam ko lang ay mas hindi ako karapat-dapat mamatay sa mga nilalang na 'yon. Ni hindi ko sila kilala at wala akong dapat pagbayaran. Though, I will still die on Dmitri's hand. And that thought doesn't mean that I deserve to die on his hands. Mas magaan lang siguro ang loob ko na mamatay kung alam ko na hindi niya papakealaman ang pamilya ko dahil na rin sa napagkasunduan.

I woke up in a room that's very familiar. From the theme to the details, I felt the comfortness because I really know this room. Dumako ang tingin ko sa aking katawan. It's covered with a red robe that's made of silk. Inayos ko ang pagkakatali noon saka tumayo. Napagpasyahan kong lumabas upang makumpirma ang hinala ko sa lugar na kinapaparoonan ko. I wore the furry footwear that's ready underneath the bed. Nang lumabas ay totoo nga ang aking hinala.

Pamilyar ang mga dingding. Ang pasikot-sikot lalo na ang engrandeng hagdan. I'm really on the palace where in I stayed with Siana, Simon, and Morphy in the past. I felt giddy and excited as the familiarity and memories filled my mind. Mabilis kong tinahak ang hagdan, at sa bawat hakbang ko sa mga baitang ng hagdan ay siyang muling pag-alala ko sa nakaraan. I used to be a maid here, na parang hindi. Hindi rin naman kasi ako nakaranas nang labis na hirap dito. Hindi ako hinayaan na magkaroon ng mabigat na gawain.

I walked around and reminisce. Wala pa ring nagbago. Gano'n pa rin tulad kung paano ko ito iniwan. Ngunit ang mga nakatira kaya rito, gano'n pa rin? Narito pa kaya? At paano nga ba ako napunta rito?

Napatigil ako nang maramdaman ko na nay nagmamasid sa akin at sumusunod. Mabilis akong tumingin sa aking likod ngunit wala akong naabutan. Muli akong nagpatuloy ngunit naroon pa rin ang ganoon na pakiramdam kaya tuluyan na akong tumigil at tumingin sa paligid. Sa mga sulok-sulok.

I grinned when I saw something cute. Behind the cabinet, I saw a hint of furry paws. Humakbang ako palapit. Napatingin ako sa gilid at napansin ang malaking salamin doon. I saw my own reflection. Bumaba ang tingin ko at tuluyang nakita ang mabalahibong nilalang na nagtatago. Nagkunwari akong hindi iyon nakita at nagpatuloy sa paglakad, ngunit muling pabalik sa pinagmulan. Saka dahan-dahan na sumandal at tahimik na hinintay ang paglabas nito.

After few seconds of waiting, unti-unti itong lumabas at luminga-linga. Nang tumalikod sa akin ay mabilis ko siyang dinampot at niyakap.

"Morphy!" I squealed.

Gulat na gulat itong napatitig sa akin kapagkuwan ay tuwang-tuwa ang reaksyon. It growled cutely and lick my face. Ilang taon na ang lumipas ngunit maliit pa rin siya katulad noong huli ko siyang nakita. Mas kumapal lamang ang balahibo niya at mas tumaba. Napahagikhik ako at niyakap siya nang mahigpit. Galak na galak ako. Lalo na nang maisip na malamang ay narito din sila Siana at Simon.

"Kumusta ka?" I happily asked. He just smiled at me delightedly. Kiniskis niya ang mukha sa aking dibdib at matagal doon na sumandal habang nakapikit. Bumuntong-hininga ako at malambing na hinaplos ang katawan niya. He missed me so much. At ganoon din ako.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now