Poem 5: Bakit Ikaw Pa?

1K 18 12
                                    

Bakit kung sino pa ang mabait,
siyang kinukuha agad ng langit?
Bakit kung sino pa ang mahal mo,
hindi ibinibigay sa'yo?
Bakit kung kailan mahal mo na,
saka ka niya iniwan
nang wala man lang paalam?

Hindi talaga pareho ang trato
ng mundo sa mga tao,
Mayroong pinapanigan at
mayroon din namang pinagkakaitan.
At ang nakakalungkot pa,
napabilang ako sa pangalawa.
Iniwanan niya akong napakaraming katanungan,
na kahit isa hindi na nabigyan pa ng kasagutan.

Okay lang naman sa akin,
kahit hindi niya ako piliin
Basta't nandiyan lang siya,
kahit na iba ang kanyang kapiling.
Basta't nandiyan lang siya,
at may posibilidad na akin pang makita.
Basta't nandiyan lang siya,
kahit na hindi kaming dalawa ang nakatadhana.

Paglisan niya'y sobrang sakit,
lalo pa at ako ang huling nasa
kanyang isip.
Hindi ko ito mapaniwalaan,
hanggang sa aking mapagmasdan,
ang kanyang katawan na nasa
huling himlayan.
Kahit na sa larawan lang,
ang sakit ay aking sobrang naramdaman.
Hapdi nito'y nanunuot,
hanggang sa dulo ng aking buhok.

Wala akong magawa,
kundi ang patuloy na lumuha,
lalo pa ng aking malaman
na hindi ka nila i-uuwi sa iyong
bayang sinilangan.
At ang masaklap pa,
hindi man lang kita nasilayan,
hanggang sa iyong huling hantungan.

Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa na wala namang
ginagawang masama?
Bakit ikaw pa na ang tanging alam,
ay mahalin ako nang lubusan?
Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa na matalino,
at maraming napapasayang tao?
Ang tadhana'y malupit,
Bakit niya pa kami pinaglapit?
Upang sa una'y maging masaya,
at sa bandang huli'y malungkot
na nagdurusa.
Bakit niya pa kami ipinakilala sa isa't-isa,
kung wala naman pala kaming
pagkakataon na magkasama?

Yakapin mo ako,
iparamdam mo na ikaw ay nandirito,
Iparamdam mo na,
binabantayan mo ako.
Huwag mong hayaang sumuko ako,
sa hamon ng buhay na mayroon ako.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon