Poem 28: Noon

320 5 0
                                    

Noong ang panahon ay hindi ko pa batid.
Noong ang problema ay akin lang nilalait.
Noong kainosentehan ko ang nangingibabaw.
Noong hindi pa sinasakop ng mga alien ang aking utak.

Noong may mickey mouse pa ang ibabaw ng aking tsinelas.
Noong ang ate niyong alien ay masaya na sa baong hindi pangmayaman.
Noong ako ay tuwang-tuwa pang naglalaro sa putikan.
Noong maganda ka kapag mahaba ang iyong buhok.

Noong maganda ka kapag nawala na ang iyong bangs na Dora.
Noong nagsimula akong maging Tatay's girl.
Noong sa isang mansanas lang ako ay galak na galak na.
Noong pajama pa lagi ang aking suot.
Noong mga hayop sa paligid ang aking natatanging kaibigan.

Noong panahon na sisimulan ko palang alamin ang mga bagay sa mundo.
Noong labingdalawa palang akong nabubuhay.
Noong tingin ko sa buhay ay madali lang.
Noong wala pa akong depresyong taglay.

Noon, 'yong panahon na nais kong tigilan pang habang-buhay.
Noon, noong sa mundo ay hindi pa ako mulat at ang sakit sa emosyon ay hindi pa dinaranas.
Noong mga simpleng tanong palang ang aking nabibigkas, at mga simpleng sagot lang rin ang aking katapat.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon