Poem 72: Kwento natin

182 3 0
                                    

Ang kwento nating dalawa
ay sinisimulan ko na
Kwentong kapupulutan nila
ng kaunting aral
Kwentong sigurado akong
iiyakan nila
Kwentong hindi nila
malilimutan

Ang kwento nating dalawa
na masakit sa dibdib
Mahirap pagtagpi-tagpiin
ang bawat salita
Naghahalo ang aking sipon at luha
habang aking inilalahad ito
sa bawat pahina
Mga tagpo at pangyayari
sa ating dalawa na kailanman
ay hindi ko malilimutan

Kwento nating dalawa na sa
pahina nalang makikita
Kwento nating dalawa na
sa mga salita nalang nila malalaman
Kwento nating dalawa na may
mapait na katapusan
Kwento nating dalawa na hindi
mo na mababasa.

Ang kwento natin kung paano tayo nagkakilala
Ang kwento natin kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana
at pinaghiwalay ng kapalaran
Ang kwento natin na hindi natin
inakalang mananatiling
kwento nalang
At ang kwento natin na
mananatili nalang sa alaala nating dalawa; at ng mga taong sa atin ay nakakakilala.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon