Poem 10: Pinapalaya Na Kita

762 14 0
                                    

Paano ko ba sisimulan?
Ang kwento nating dalawa
na walang magandang kinahinatnan?
Ilalahad ko na ba ang nilalaman,
O baka naman sa climax muna
ako mag u-umpisa?

Kapwa tayo musmos
At ang ating pagmamahalan
ay hindi pa lubos,
Kapwa nasa sekondarya
ang tanging nais ay ang
makatapos na.

Nakilala kita sa bakasyon,
sa hindi inaasang panahon
Ngiti mo ay kaysaya
Kung kaya't puso ko ay
iyong nakuha,
subalit puso mo ay nasa iba.

Ako ay nagulat, sapagkat iyong isiniwalat
na ako ay iyong gusto,
pagmamahal ko ang
siyang tanging nais mo.
Pinaghiwalay ng distansya
ngunit muling pinagtagpo ng
social media

Lumipas ang mga taon
at tayong dalawa ay nawalan ng
komunikasyon,
Tila pagmamahalan natin ay
nagiba,
Lalo na nang mapadpad tayo
sa lungsod ng Maynila.

Isang araw ay nagkita, ngunit
bakas ng pag-iibigan nati'y
wala na,
Naglaho na ito mula sa anino
ng mga mata mo,
hanggang sa multo ng mga ngiti ko

Ikaw ay ibang-iba na,
siguro maging ako ay nagbago na.
Mula sa estilo ng pananamit,
hanggang sa tabas ng iyong pananalita
makikita dito ang malaking
pagbabago.

Ako nalang ang nasasaktan,
ako nalang ang naiwan,
Ako nalang ang nakulong,
sa mga alaala nating panandalian.
Dahil maging ang mga puso
nati'y hindi na nagkakaunawaan.

Taon ay muling tumambling,
hanggang sa tayo ay makarating
sa taong two thousand seventeen,
komunikasyon ay wala pa rin,
tila ba sinasabing hindi ikaw ang nakalaan para sa akin,
at maging ako ay nakatadhana para sa ibang tao.

Ako nga yata ay hibang,
umaasa pa rin na magkakatuluyan,
na sa bandang huli'y muling magtatagpo
mga puso natin ay muling mangangako,
Pagmamahalan nati'y
hinding-hindi na maglalaho.

Pag-iibigan nati'y katulad lamang,
ng bilyong-bilyong magkasintahan
Sa huli ay hindi nagkakatuluyan
sapagkat may ibang taong nakalaan,
Naging magkasintahan ba tayo?
Hindi ko yata maalalang
ikaw ay nag i love you,
dahil maging ako ay hindi
sumagot ng i love you too.

Hanggang isang araw ako ay nag online,
Pangalan mo ay hindi ko gaanong matandaan
sapagkat ibang pangalan ang aking
kinagisnan,
Kung hindi ko pa tiningnan
ang profile picture mo,
ay hindi ko makikitang ikaw pala ito.

Mukha mo'y malaki ang ipinagbago,
ngunit bakas pa rin dito
ang mukhang noon ay kinahumalingan ko,
Hindi ko man aminin,
kilig ay umaapaw pa rin sa akin.

Hindi matapos na kumustahan,
awkward na nagkakatawanan,
Dinilaan pa ako ng emoji mo,
Kung kaya't hindi ko mapigilan
ang mapasigaw sa kawalan.
Saka palang ako natigilan,
ng mapagtantong
ang kasalukuyan ay ibang-iba na
sa ating nakaraan.

Kung pwede ko lang tahakin,
ang daan pabalik sa nakaraan natin
Ako ay babalik sa tagpong
Ikaw at ako lang
ang laging pinapangarap natin,
Ikaw at ako lang
kasama ng mga pangako natin,
Ikaw at ako lang,
kahit mundo ay tayo ay pagsawaan.

Ikaw ay hindi ko na hahangarin,
tuluyan na kitang palalayain
sapagkat alam kong matagal
mo na akong pinakawalan,
at hinayaang lumipad sa kalawakan.
Kung sa bandang huli ay magkatagpo
pa rin tayo,
Ibig sabihin tadhana'y tayo pa rin
ang gusto.

Pinapalaya na kita,
puso mo ay binibitawan ko na
Alaala nating dalawa ay mananatili
nalang sa ating alaala,
Pinagsamahan nati'y hahayaan ko nalang tangayin ng hangin papuntang dilim.

Ngunit bago ko ito tapusin,
hayaan mong aking bigkasin
ang dalawang salita na
ipinagdamot natin,
sa ating sarili at damdamin,
Salitang hindi natin masabi,

Minahal kita lalaking,
ang ngiti ay langit na sa akin.
Ang tunog ng halakhak ay
musika sa akin,
at ang tibok ng puso ay
para lang sa akin.

Mahal kita lalaking
unang aking nakilala,
Unang pag-ibig ko ay
iyong nakuha
Mahal kita,
at tayong dalawa ay
hanggang dito nalang talaga kita.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon