Poem 25: Pwede ba?

385 4 0
                                    

Bumalik ka sa dati mong gawi,
Depresyon bakit lagi mo akong
pinahihikbi
Akala ko tayo ay tapos na,
bakit bumalik ka pa at
muling nagpakita

Kalungkutan ko'y iyong ginagatungan
Kasiyahan ko'y nilunok mo nang isang sakmalan
Pwede bang hiwalayan mo na ako?
Pwede bang bigyan mo ako ng pahinga?

Pwede bang huwag ka nang magparamdam?
Pwede bang tuluyan mo na akong lubayan?
Pwede ba? Pwede ba?

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon