Poem 95: Mahigpit na yakap

230 5 2
                                    

Gunita ng hugis ng iyong mukha,
kurba ng iyong labi dahil sa pagngiti
Hubog ng iyong baba at kislap
ng iyong mga mata
Boses mong buo at masaya,
sobrang nami-miss ko na
Ang lahat ng 'yan ay hindi ko
makakalimutan

Usapang inaabot ng hatinggabi
kulitang nauuwi sa asaran
Ang matatalo ay magtatampo at ang
mananalo ay aasarin ka pang todo
Ilan lamang 'yan sa ating alaala,
alaala na sa iba ay kumukupas na
Hindi kita makakalimutan at alam mo 'yan,
maliban nalang kung sundan kita sa iyong kinaroroonan.

Huwag kang mag-alala sa akin masakit kong pakiramdam ay maghihilom rin
Huwag mo akong alalahanin
nakakaya ko pa rin namang kumain
Tandaan mong muli tayong magkakausap,
landas nati'y muling magtatapat
At kapag nangyari 'yon bibigyan kita
ng isang mahigpit at nakakasakal na yakap.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon