Poem 16: Malayo pa rin

369 6 0
                                    

Ang paglimot sa'yo ay hindi epektibo,
dahil kada may nagugustuhan akong kanta
Ikaw ang palaging nasa aking alaala
Ang lyrics nito ay tumatagos sa aking
pusong sa'yo ay nagmamahal ng lubos

Sana nga ay kasinungalingan nalang ang lahat
'Yong tipong sa susunod na taon muli
kitang makakausap
'Yong tipong isang araw ako ay basta
nalang magugulat
dahil tinadtad mo ako ng mensahe
sa aking inbox

Bakit patuloy akong nalulungkot?
Bakit dala ko pa rin ang bigat?
Bakit patuloy na luha ko'y umaagos?
At bakit kada pag-uusapan ka
boses ko'y palaging pumipiyok?

Hindi ko na alam ang gagawin
Iniyak ko na ang lahat,
Luha ko'y hinayaan ko nang
gabi-gabing dumanak
Pero 'yong sakit at pangungulila
lagi ko pa ring kaakibat at dala-dala

Tumingin ako sa kalawakan,
sa magandang kapaligiran
Ngunit bakas mo'y hindi ko nasilayan
Katabi ka ba ng magagandang
bituin sa gabi?
Kayakap mo ba ang buwang patuloy
kong hinahangaan?
O baka naman nasa sinag ka ng ating
haring araw sa umaga?

Nasa hangin ka bang palaging sa
akin ay humahalik?
Sa mga dahon ng halaman na palaging hinahalikan ng ulan?
O baka naman kasama ka ng ulan na
sa akin ay laging nagpaparamdam?

Sa araw sa gabi, sa bukangliwayway
at takipsilim
Sa dapithapon at sa hatinggabi
O baka naman kasama ka ng mga ibong sa himpapawid ay malayang lumilipad?
O baka naman nandoon ka sa mga ulap na nagtatayugan?
Nakatunghay at sa akin ay nakatingin.

Kahit alam kong nandiyan ka lang
sa aking tabi
Alam kong nasa malayo ka pa rin
Nasa lugar na hindi ko makikita,
Nasa lugar na hindi abot
ng aking mga mata
Sa lugar na balang araw
ako ay makakapunta.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon