Poem 24: Kapag

300 3 0
                                    

Kapag ang luha ay nailabas
Kapag ang dinaramdam mo ay naisiwalat
Kapag ang damdaming nagtatampo ay sumuko
Kapag ang galit ay natunaw
Kapag nagkaroon ka ng karamay
Kapag naisip mong maikli lang ang buhay
Kapag naalala mo lahat ang kalokohang iyong nagawa
Kapag ang iyong kaluluwang napagod ay tuluyang naghingalo
Kapag ang lahat ng bagay ay wala na sa tamang pwesto
Kapag ang Depresyon mo ay pilit kang tinatalo
Kapag..
Kapag wala ka ng ibang magawa kung hindi ang umiyak at patuloy na lumuha.
Kapag..
Kapag kailangan mo ng sumuko.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon