Poem 92: Paasa

236 4 2
                                    

Pag-ibig na sa akin ay iyong ibinigay
agad mong binawi at sa iba ini-alay
Akala ko ba ako ang iyong mahal
ginamit mo lang akong tulay
Upang sa kanya ay mapalapit
sa kaibigan kong matalik
Hindi ko nahalatang siya ang
iyong pakay sapagkat
sa akin ay malambing kang tunay

Paasa ka, pinagmukha mo akong tanga
Pinaniwalang iyong magugustuhan,
pinaramdam na sa buhay mo
ako ay may puwang
Isa itong kahunghangan,
kalokohang hindi mo kayang panindigan
Tama na, sa kasinungalingan mo
ako ay lunod na lunod na.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon