Poem 71: Mambabasa

120 2 1
                                    

Pahalagan natin ang ating
mambabasa
Ngunit huwag mahalin nang
sobra
Isang araw ay iiwan ka rin nila
upang humanap ng iba
Magpapanggap na kailanman
ay hindi ka nakilala

Ngunit mga manunulat
huwag nating kalimutan agad
Na kung hindi dahil sa kanila,
sa akda nati'y walang babasa
Sa mga fictional character natin
ay walang kaagaw
Sila ang magpapaalala sa atin
na minsan dumaan sila sa ating buhay

Kaya aking mga mambabasa
salamat sa inyong suporta
Salamat sa mga gabing
kayo ay nagpupuyat
Upang aking akdang isinulat
ay matapos agad
Kayo ang hindi ko makakalimutang
karanasan; sa daang aking patuloy na tinatahak.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon