Poem 36: Hindi na Ako

264 4 0
                                    

Tinanong ko ang hangin,
sulit ba ang aking paghinga?
Tinanong ko ang ulan,
may karapatan ba akong mabasa niya?
Tinanong ko ang kalawakan,
nararapat ba akong mabuhay sa ilalim niya?
Tinanong ko ang aking sarili,
ako pa ba ay masaya?

Nawawala ako, tinatabangan na ako
na ituloy ang aking buhay
Na pilit abutin ang aking mga pangarap
na bago ko palang sinisimulan
Hindi na ako masaya,
hindi na ako kinikilig sa bawat letrang
nililikha ng aking panulat
Hindi na ako nagbabaga,
sa bawat isinusulat na pangungusap

Kailangan ko bang magpahinga,
hindi dahil busog na ako sa pahinga
Ang dahilan noon ng aking paghinga
ngayon ay sinasakal na ako ng sobra
Ang mga letrang noon ay nagbibigay sa akin ng lakas
ngayon ay panlulumo na ang sa akin
ay ipinaparanas
Ang mga pangugusap noon na aking naging karamay
ngayon ay akin nang mahigpit na kaaway

Saan ako susuling, sarili ko'y saan ibabaling
Pagtigil ang tanging nag-iisang paraan
upang pagpanaw ko'y mapigilan
Ngunit kada panulat ay aking bibitawan
sarili ko'y unti-unting nasisilayan sa ibang katauhan
Katauhang hindi sa akin,
katauhang hindi ko nakilala ni minsan.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon