Poem 45: Ngiti

312 3 0
                                    

Sa aking mga tulang hinabi sa salita,
binuo na ang pundasyon ay emosyon
Ikaw ang aking inspirasyon,
kahit pa mundo nati'y iyong nilisan
nang hindi ka sang-ayon
Ako ang magtutuloy ng iyong adhikain,
sumulat ng kwentong kapupulutan ng aral
Gumawa ng tulang hugot na hugot
sa iyong kailaliman

Aking inspirasyon panahon man sa atin ay hindi umayon
Asahan mong binigkas ko sa'yong pangako ay hindi mapapako
Bubuohin ko muna ang aking sarili,
pupulutin ang bawat piraso ng aking
pagkatao na nasawi
Sisiguraduhin kong maibabalik
sa aking labi ang makulay at
matingkad kong mga ngiti

Aking ngiting iyong minahal,
Aking mga ngiting masilayan mo lang
ay para kang matutunaw
Aking mga ngiting lagi mong kinasasabikan
Mga ngiti kong ikaw ang dahilan.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon