Poem 38: Salamat

346 6 0
                                    

Matagal na panahon na
noong kinilig ako ng sobra
Matagal na panahon na
noong ngumiti ako ng ganito
Matagal na panahon na
noong animo nakikipagkarera
sa kabayo ang tibok ng puso ko
Matagal na panahon na akala ko'y ubos na
pero may natitira pa pala

Sino ka? Bakit mo ako pinapakilig
ng sobra
Bakit sa tinig mo nagagawa mo akong
mapasaya
Bakit mga kantang paborito ko
ay binibigyan mo ng halaga
Bakit tinutunaw mo ang puso kong
bahagya nang naging yelo

Mukha mo'y nakatago, tinig mo ang
isa sa'yong panangga
Salamat sa'yong tinig, sa boses mong
sa akin ay bahagyang nagpapakilig
Salamat dahil boses mo'y hindi ipinagkait
sa kagaya kong hindi na naniniwala
sa wagas na pag-ibig
Tinig mo'y paulit-ulit pinapakinggan
boses mo'y akin nang hinangaan.

Dedicated to WhiteIsToLight

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon