Poem 14: Walang katuparan

366 3 2
                                    

Kahit na gaano kaganda ng
mga tala sa kalangitan
Hindi ko ito magawang mahalin at hangaan
Alam mo bang hatid nito sa akin ay kalungkutan
pighati at lumbay ang sa puso ko ay nananahan

Kung hindi mo ako sinaktan
mahal na mahal ko sana ngayon
ang kalawakan
Lalo na sa gabing marami ang bituin
Hindi ba't nangako ka sa kanilang ilalim
Na ako lang hanggang wakas, na ako lang hanggang
sa dulo ng iyong buhay
Ngunit ngayon ay nasaan?

Pangako mong aking pinanghawakan,
Pangako mong aking inasahan
Pangako mong sa kalangitan ay napako
Pangako mong hanggang salita lang at walang katuparan
Walang dapat na asahan.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon