Poem 85: Bakit

128 2 2
                                    

Malapit na mag isang taon,
subalit sugat ko'y di pa rin naghihilom
Sakit ay akin pa ring nararamdaman,
patuloy ko itong iniiyakan
Paulit-ulit kong tinatanong ang kapalaran,
kung bakit niya ito pinayagan
Bakit tadhana ay sumang-ayon,
at hinayaan akong makulong

Makulong sa nagdaan naming kahapon,
malunod sa mga alaala namin noon
Mag-iisang taon na ngunit parang
kanina ko lang ito nalaman
Ako ba'y nahihibang,
bakit hindi kita kayang bitawan
Bakit hindi ko magawang kalimutan,
pansamantala ang iyong pangalan.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon