Poem 41: Malamlam

172 4 0
                                    

Bakit ang liwanag mo ngayon ay malamlam,
Ikaw ba ay may dinaramdam
O gusto mo na rin akong yakapin
at hawakan,
Presensya mo'y aking damang-dama
tila ba ang pagitan natin ay hindi milya-milya

Bakit malungkot ka,
may koneksiyon ba 'yon
sa liwanag mo na kakaiba
Ang liwanag mong
nakakapanibago,
kalungkutan ang hatid nito
sa aking puso, damdamin, kalooban at katawan.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon