Poem 29: Aking Buwan

359 4 0
                                    

Bakit ang sikat ng buwan ngayon ay malamlam?
Dahil ba ngayon ang araw at petsa ng iyong kamatayan?
Siyam na buwan na paglayo,
Siyam na buwan ng puso ko ay naghihingalo

Mataman sa'yong nakatingin,
Ang sinag mo'y aking pilit
inaabot,
Hindi maulap ang kalangitan,
ngunit sikat mo ay parang napipilitan
Aking buwan, aking buwan
Aking malamlam ngayon na buwan

Nasaan ang iyong kinang?
Nasaan ang iyong malinaw na
tanawin sa kalawakan?
Sinasabayan mo ba ang kalungkutan ng aking puso?
Sinag mo'y sapat na, basta alam kong
ako ay iyong nakikita.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon