Poem 39: Seven

329 4 2
                                    

Seven na naman kaya pala
ang pakiramdam ko'y
hindi ko na naman maintindihan
Ang puso ko'y kumikirot at
hindi na naman maitago ang lungkot
Malamlam na muli, ang mga mata kong
salamin ng aking katauhan
Ang sakit ng petsang ito ay patuloy kong
iniinda

Ilang oras pa ba ang palilipasin
Ilang buwan pa ba ang aking bibilangin
Ilang taon ang aking gugugulin
upang aking matanggap ang
nangyari sa atin

Napakadaya ng panahon
Ang tadhana sa atin ay malupit
Ang kapalaran sa atin ay mahigpit
Hantungan nating dalawa ay paghiwalayin
nilang pilit

Ilang buwan nalang
pagkawala mo'y taon na ang
ibibilang
Ito'y parang kahapon lang
sakit ay hindi pa rin nababawasan
Pangungulila ay mas lalo
pang nadagdagan
Pagkawala mo ay patuloy kong
nararamdaman

Pwede ko bang alisin sa kalendaryo
ang petsang ito'y pwede ko bang burahin
Pwede ko bang kalimutan
kung ano ang nangyari noong Abril ng seven
Pwede ko bang pawiin sa aking alaala
ang petsang ito na naging masakit sa akin
Sana ay kaya kong burahin, sana seven ay kaya kong sa aking buhay ay alisin.

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon