Poem 20: Kim Jonghyun

388 9 0
                                    

Madilim ang kalangitan
Umiiyak ang langit
Sa bus ako ay nakalulan
ng aking mabalitaan
ang 'yong ginawang paglisan

Kim Jonghyun bakit ganun?
Bakit sarili mo'y hinayaan
mong malason?
Bakit mundo nati'y tuluyan
mong tinalikdan?

Pagal ka na ba?
Puso mo, katawan at kaisipan
ay pagod na pagod na ba?
Hindi mo kailangang pasanin
ang kalungkutan ng nag-iisa
Hindi mo kailangang indahin
ang depresyon nang mag-isa

Maraming tagahanga mo
ang nalulungkot, nagdurusa
at nakikisimpatiya,
ang iba pa sa kanila ay
hindi maiwasan ang pagluha
ng kanilang mga mata
At hindi ko itatangging isa ako
sa kanila

Kim Jonghyun mahal ko
Paglisan mo ay hindi inaasahan
Pagpanaw mo ay pangmabilisan
Pagkawala mo ay nakakapanghinayang
At dahil pagod ka na
pagtakbo mo ay binilisan na

Nasa Malaysia ako nang makilala kita
Nasa Malaysia ako nang aking
madiskubre ang inyong grupo
Nasa Malaysia ako nang aking hayaang mahalin ka kasabay ni Onew

Naiiyak ako, puso ko'y pinipiga
habang ginagawa ang tulang ito
na para sa'yo
Lulan ng bus, nakatunghay sa malawak na langit
umaasang pagmamahal ko'y
iyong maramdaman nang
kahit isang saglit

Isang araw muli ka naming makikita
Isang araw muli naming maririnig ang iyong tinig
Isang araw muli ka naming masisilayan
Sumasayaw, kumakanta habang
kasiyahan ay nakarehistro
sa iyong mga mata

Sige na Jonghyun mahal ko
magpahinga ka na,
Sana ay matahimik ka
Unti-unti ka naming bibitawan
Unti-unti rin naming matatanggap
Ngunit mga alaala mo ay magiging buhay, sa bawat segundo ng aming paglalakbay

Itatago ka namin sa aming puso
Ngiti mo'y hindi namin malilimutan
Boses mo'y paulit-ulit naming
pakikinggan
Pangalan mo'y aming iuukit
sa aming puso't isip

Mahal kita, iniidolo kita
Jonghyun oppa
hanggang sa iyong huling hininga
ay hinahangaan kita
Matapang ka, malakas ka
ngunit sa sukdulan ay umabot ka na
Ang halimaw sa'yong kaloob-looban
ay nagapi ka

Hanggang sa muli, mahal naming
Kim Jonghyun
Hanggang sa muli, aming oppa
Jonghyun
Hanggang sa muli, iniidolo naming
Jonghyun
Mahal na mahal kita Oppa Jonghyun
Maraming salamat at palagi kang mag-iingat

Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay
patungo sa kabilang buhay
Patungo sa buhay na walang hanggan,
Sa buhay na walang depresyon
at walang sakit,
Sa buhay na ang tanging namamayani
ay kasiyahan at pagmamahal.

Dec 20, 2017
10:30am

Her Poetic ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon