Its Official

7.4K 233 27
                                    

/'Because true belonging only happens when we present our authentic, imperfect selves to the world, our sense of belonging can never be greater than our level of self-acceptance'
-Brene Brown, The Gifts Of Imperfection/

Glaiza
"Lumipat ka nalang kaya sa room ni Rhian tsong."

Nasa kwarto kami ngayon, nakatotok ako sa tina-type kong essay sa laptop. Nag-start na ang second sem, medyo chill pa ang klase pero ako rattle na sa pag-advance study.
Hindi ko narinig ang sinabi ni Chynna kaya binato niya ako ng tuwalya.

"Aray naman Ortaleza."

"Lutang ka kasi, 2 weeks palang ang klase kung makapag-aral ka parang kukuha kana ng board exam."

I laugh at her, well she has a point. Ito talaga yung problema sakin, i tend to overthink things. Pinulot ko ang towel na binato niya at tinupi ng maayos.

"Sabi ko lipat ka nalang kaya sa kabila para hindi ka takas ng takas tuwing hatingabi na parang aswang."

Namula ako, alam pala ni Chynna ang pagtambay ko sa kabilang kwarto tuwing gabi.

"Oh? Tingin mo hindi ko alam? Alam ng lahat ng tao dito sa bahay yang kaharutan niyo."

I try to focus on what im typing but Chynna is making me uncomfortable. Its been two weeks since the epic kiss sa school grounds. Rhian told me na earlier that day, she broke up with Luis and inamin niya na kaya siya nakikipaghiwalay is because of me. Maluwag naman na tinaggap ni lalaki. Since then hindi na kami mapaghiwalay, on our free time nagkikita kami sa library at together we study. Wala kaming endearment sa isat-isa, we call each other by first name just like before. Good thing nag back off na din si Katrina kahit minsan may mga comment pa din ito.

"Okay naman ako dito sa room na ito Chynz."

"Ikaw bahala."

May mga pahabol na panunukso pa ito pero hindi ko na pinansin. Biglang nag alert ang phone ko. May pinorward na image si Rhian.

Caption : 'Wish you are here girlfriend.😄👙👅'

"Holy fucking Shit!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Holy fucking Shit!!!"

Napamura ako sa imahe na sinend ni Rhian. Nasa outing ito kasama ang mga kaibigan sa high school, kahapon pa ito umalis at bukas pa schedule dumating. Sumilip si Chynna sa naging dahilan ng pagmura ko.

"Tang-ina ka Ramos. Ang lalandi niyo."

Napa-ismid si Chynna habang kinukurot ako sa tagiliran. I try to focus my attention to what im doing but failing. Kahit malayo si Rhian kayang-kaya niya akong windangin. I shake my head, paano ba ako naging ganito ka swerte?

----------------------------------

Rhian
Umiikot ang kalye sa paningin ko, i feel like throwing up pero pinipigilan ko hanggang makadating ako ng bahay. Pauwe nako galing sa overnight outing with my high school friends. Dahil nainip kami sa byahe, we decided to drink sa loob ng nirent namin na van, ang ending nagkanda-lasing kami.
Tatawagan ko sana si Glaiza at magpasundo sa kanto kaso lobat nako. Huling text namin kaninang tanghali pa at ngayon ay gabi na.
Hindi ako komportable sa backpack kong mabigat na nagdadagdag pa sa hirap ko.
Finally, nakadating din ako sa pinto, nag iinit na ang buong katawan ko, hindi ako sure ano yung ininom namin, tequila ba yun or whisky. I knock repeatedly dahil masusuka na talaga ako at ayoko magkalat sa daan.
Pagbukas ng pinto, all smile si Glaiza, she was expecting me but i end up throwing up on her chest. Hinawakan niya ang kamay ko habang sinundan ko pa ng isa.

Incognito YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon