Chapter 01

38.5K 660 26
                                    


Angelica's POV

"Angelica!" sigaw ni Mommy

"Mom, bakit po?"

Hi, I'm Angelica Lopez. 18 years old. Only child lang po ako. Si Mommy lang ang kasama ko sa bahay dahil si Daddy ay nasa Paris at nag tatrabaho. 'NBSB' po ako. Hinihintay ko po kasing umuwi ang 'BestFriend' kong si Carl. Actually 'First Love' ko po talaga siya. Nasa London kasi siya ngayon. 10 years na simula nang huli kaming nagkita, sabi niya kasi babalik siya at sa oras na 'yon magka-kasama na kami. Ewan ko kung may girlfriend na ba siya, sana wala kasi baka ma-heartbroken ako. Nasa kwarto kasi ako ngayon at nag-aaral, alangan namang puro love life lang 'yong atupagin ko. Sayang 'yong kagandahan at katalinuhan ko kung mag papa-katanga lang ako 'no. Nang tinawag ako ni Mommy ay tumigil na muna ako sa pagba-basa, lalabas muna ako para maka-usap nang maayos si Mommy. Pagka-labas ko ay nasa pinto na pala siya.

"May bisita ka." aniya

"Sino po?"

Bakit ngayon lang ako na inform na may bi-bisita pala sa'kin. Hindi naman nag-sabi si Lily na pu-punta siya dito. Sino kaya?

"Basta, bumaba ka na at para makita mo kung sino."

"Okay po."

Pagka-baba ko sa hagdan ay bumungad sa'kin ang isang lalaking naka white V-neck t-shirt at black pants. Ngayon ko lang yata siya nakita? Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan siya ng mabuti. Pamilyar siya sa'kin pero hindi ko alam kung anong pangalan o saan ko siya nakita. Pagka-baba ko ay agad ko siyang nilapitan. Ang gwapo niya! Lalo na kapag naka-ngiti!

"Hi Angelica!" bati niya

"Sino ka?"

"Hindi mo na ako naa-alala?"

"Hello? Ngayon lang kita nakita 'no."

"Are you sure, BestFriend?"

Sandali, isa lang ang naa-alala kong tuma-tawag sa'kin ng BestFriend. I'ts..

I'ts Carl!

OMG kani-kanina lang nag i-imagine ako tungkul sa kanya tapos ngayon nandito na siya MY GOD!

"Carl?"

"Yup!"

"OMG!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya nang mahigpit na parang wala nang bukas

"Long time no see." aniya

"I'ts been 10 years bestfriend."

"Hindi ka pa rin nagba-bago. Ang cute mo pa rin."

"Ikaw rin, hindi ka pa rin nagba-bago bolero ka parin."

Ang araw na iyon ang pinaka the best. Nag kita ulit kami ni Carl, ang First love ko. Simula nang araw na 'yon ay kapag umu-uwi ako galing sa school ay nama-masyal kami ni Carl sa Park na lagi naming pinu-puntahan noon. Ang sarap niya pa rin kasama hanggang ngayon. Parang mas lalo akong na in-love sa kanya. Hanggang isang buwan ang lumipas, dalawang araw nalang siya dito at u-uwi siya ulit sa London. At sa araw na 'to din sasabihin ko na sa kanya ang feelings ko. Kung magiging kami man ay LDR siguro kami pero kung hindi man maging kami ayos lang at tatanggapin ko. Nasa Park kami ngayon. Sabado kasi kaya maaga kami. Naka-upo kaming dalawa sa isang bench.

"Ah, Angelica."

"Hm?"

"May gusto sana akong sabihin sa'yo."

"Mayroon din akong gustong sabihin sa'yo Carl."

This is it!

"Ikaw na mauna." aniya

"Hindi, ikaw na."

"Sigurado ka?"

"Oo,"

"Okay. Ah, kasi. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo, ngayon lang talaga ako nagkaroon nang oras."

"Ano ba kasi 'yon?"

"May Girlfriend na'ko."

Ang ngiting nasa labi ko kanina ay biglang nawala. Nadurog ang puso ko. Nawasak ako dahil lang sa salitang "May GirlFriend nako." Nangilid ang luha ko at 'di nagtagal ay bumuhos na. Ang sakit pala talaga 'no. 10 years akong nag hintay pero sa isang iglap nawala lang pala. Nagtaka si Carl dahil sa pag-iyak ko.

"Are you okay?"

"No,"

"Why? May problema ba? May nasabi ba akong mali?"

"Oo,"

"Ano?"

"Carl, gusto kita!"

"What?"

"Oo gusto kita noon pa! Nag hintay ako nang 10 years! Pero ano? May girlfriend ka na pala! Ang sakit-sakit Carl. Sobra!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na ako. Pumunta ako sa sasakyan namin, nasa labas si manong, ang driver namin kaya hindi na ako nag hintay at pumasok ako sa driver's seat. Hindi ako marunong mag drive pero gusto ko nang lumayo dito. Agad ko itong pinaandar at mabilis na pinatakbo. Iyak pa rin ako nang iyak. Kaya sa isng iglap ay may nakasalubong akong truck, agad ko naman itong nailagan 'yon nga lang ay nahulog ang sasakyan ko sa isang bangin. Binitawan ko ang manubela at ginawang pang-sagang ang aking dalawang braso. Ang tanging nasa isip ko lang ay baka ito na ang huling araw ko. Baka ito na ang huling pagki-kita namin ni Carl at Mommy.

'Sorry Mom, Dad, kung iiwan ko kayo.'

Nang bumagsak ang sasakyan sa lupa ay may malapit na ilog dito. Dumaan ako sa basag na salamin nang kotse at lumapit sa ilog. Puno ang katawan ko nang sarili kong dugo at marami din akong sugat. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko Ang katawan ko na lumutang sa ilog at doon na ipinikit ang aking mga mata. Kung saan man ako dadalhin nang agos nang tubig ay sana buhay pa ako.

Sana..

Someone's POV

May nakita akong babaeng palutang lutang sa ilog. Nangingisda kasi ako, alam niyo na, walang ibang magawa. Wala kasi akong kasama sa bahay kung 'di ang mga kasambahay kaya nililibang ko nalang ang sarili ko sa pangingisda sa Fishpond namin. Nang makita ko ang babae ay agad akong lumangoy at tinulungan siyang umahon. Puro sugat siya at may humihinga pa naman. Nakaka-awa siya kaya tinulungan ko na. Isinakay ko siya sa kotse ko at agad na dinala sa ospital.

Pagkarating namin sa ospital ay wala pa rin siyang malay. Agad kaming dinaluhan nang dalawng nurse. Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit siya napadpad sa Fishpond namin? Bakit puro siya sugat? Sino kaya siya? Sana masagot niya lahat nang tanong ko pagka-gising niya. Hindi ako umalis sa ospital, mahigit isang oras akong nag hintay sa labas nang O.R. 'tsaka lumabas ang doktor.

"Doc, kamusta siya?" tanong ko

"Ayos na siya. 'Yon nga lang ay posibleng wala Muna siyang maalala lalo na at ulo niya ang mas naapektuhan. Kaanu-ano ka ba nang pasyente?"

"Kaibigan po." pagsi-sinungaling ko

Alangan namang sabihin kong nakita ko lang siya.

"Ganoon ba. Sige, alis na muna ako. Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa nurse."

"Sige po."

Pagka-alis nang doktor ay agad akong pumasok sa loob. Wala pa rin siyang malay. Tinitigan ko lang siya, ang ganda niya kaso hindi ko alam ang pangalan niya. Paano niya sasagutin ang mga tanong ko kung may amnesia siya? Saan siya tutuloy? Anong gagawin ko sa kanya?

Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na ako. Nagu-guluhan na ako. Ipapa-tuloy ko ba siya sa bahay ko o sasabihin ko 'to sa mga pulis. Paano kung matakot siya, wala pa naman siyang maalala. Hindi naman siguro aabot nang taon ang amnesia niya. Katulad nga sa mga napapanood kong palabas. Buwan lang siguro ang bibilangin.

Sana maalala na niya agad ang nakaraan niya. Nakakaawa kaya kung wala kang maalala sa nakaraan mo. Tutulungan ko siya sa abot nang aking makakaya.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon