Chapter 09

11.3K 359 2
                                    

Lalaki

Suot ang kulay blue na off-shoulder dress at white heels ay lumabas na ako ng kuwarto. Parang walang amnesia 'no? Bahala na, mall e. Alangan naman mag-suot ako ng pang-bahay. Ang guwapo-guwapo ng kasama ko tapos ako parang kasambahay lang. Charot.

Sa biyahe palang ay para na akong batang may ina-abangan na surprise. Syempre, excited e. Nang makarating kami sa mall ay agad kaming nag punta sa boutique. Binilhan niya ako ng mga bagong damit. Kahit marami pa ang mga hindi ko na-gagamit na damit sa bahay ay binilhan niya pa rin ako. Ayaw niyang mag-papigil e. Gusto niya akong bilhan kaya wala rin akong nagawa.

"John, masyado nang marami ang nabili natin. Marami pa akong damit sa bahay." ngumuso ako sa kanya

"Okay, kakain nalang tayo." aniya

"Sige!" maligayang sabi ko

Pag-kain ba naman? Naku, hindi talaga ako ta-tanggi diyan. Bahala ng tumaba ako basta mabusog lang. Wala rin namang kuwenta ang pagiging sexy mo kung gutom ka 'di ba? Matapos bayaran ang pinamili namin ay dumiretso na kami sa isang fast food chain. Hindi ako um-order kaya siya nalang, medyo marami nga ang in-order niya. Parang hindi namin 'to ma-uubos dahil dalawa lang kami.

"John, ba't ang dami mong in-order e dalawa lang naman tayo?"

"E baka gutom ka na, matakaw ka 'di ba?" na-tatawang sabi nito

"Grabe siya, hindi naman ako ganoon ka takaw. 'Tsaka wala tayo sa bahay 'no."

"So, sa bahay ka lang matakaw?"

"Siguro?"

Nag tawanan nalang kami hanggang sa ma-ubos namin ang lahat ng pag-kain. As in lahat talaga ng in-order niya. Naku, baka mamaya may taba na ang tiyan ko. Bahala na, puwede rin naman akong mag exercise o 'di kaya pabayaan nalang? Bahala na si batman. Hawak ko pa ang tiyan ko habang nag lalakad kami. Busog talaga ako e.

"Ah, Angela." si John

"Hm?"

"Puwede bang dito ka na muna?"

Napakunot ang nuo ko.

"Bakit?"

"Magba-banyo lang muna ako."

"Ah, o sige."

"Dito ka lang 'wag kang aalis, babalik din ako agad." aniya

"Okay."

Agad naman siyang umalis. Na-iwan lang akong naka-tayo sa tapat ng boutique na pinasukan namin kanina. Isang paper bag lang dala ko, siya kasi ang nag-dala ng iba. Tini-tingnan ko lang ang labas pasok na mga tao sa boutique. 'Yong iba ay na-papatingin sa akin. Syempre, dyosa ako 'di ba?

Pero may isang lalaking papasok na sana, pero napa-tigil siya ng nakita ako. Na-fall ba sa'kin ang isang 'to? Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin kaya napa-atras naman ako. Pero bago pa ako maka-atras ulit ay hinawakan niya na ang braso ko. Napa-kunot ang nuo ko habang tinitingnan ang lalaki.

Para siyang naka-kita ng multo ngunit may galit at may halong sakit ang na-kikita ko sa mga mata Niya.

"Sino ka?" na-nginginig kong tanong dito

Kitang-kita ko sa mata niya na para bang kilala niya ako at parang na-iiyak na din siya? Sino ba siya? Sino ang lalaking 'to?

"Angelica, buhay ka?" hindi maka-paniwalang sambit nito

"Angelica? Sorry pero hindi ako si Angelica. 'Tsaka puwede ba bitawan mo ako?!" sigaw ko

Bago pa ako makawala sa pagka-kahawak niya ay bigla nalang siyang tumilapon sa sahig dahil sa isang suntok. Napatili ang ilang tao na dumadaan. Napahawak ang lalaki sa gilid ng labi niya na ngayon ay dumudugo.

"Angela, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni John

"O-Okay lang a-ako." na-nginginig pa rin ako

Nilingon ni John ang lalaki na ngayon ay naka-tayo na. Akmang su-suntukin niya ulit ito pero agad ko siyang pinigilan.

"John, tama na." sambit ko na ngayon ay tumutulo na ang luha ko

Napatigil din naman siya agad. Hinawakan niya ang kamay ko at akmang hi-hilahin ako pa-alis doon pero biglang nag-dilim ang paningin ko. Nang-hihina ang tuhod at katawan ko. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa'kin.

Anong nang-yayari sa'kin?  

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now