Chapter 13

10.3K 339 15
                                    

Pag-paparaya

"I miss you." aniya

"I miss you too." naka-nguso ko siyang tiningnan

Sweet talaga ng isang 'to.

"Akala ko da-dalawin mo ako araw-araw, ba't ngayon ka lang dumalaw?"

"Naging busy kasi ako sa school. 'Tsaka ngayon lang din ako pinayagan ng bestfriend mo." aniya na siyang nag-pagulat sa'kin

Ngayon lang siya pinayagan?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Da-dalaw na sana ako dito noong nakaraang linggo pero sabi ni Carl na hayaan ko muna kayo ng pamilya mo kahit saglit lang."

Kaya pala?

"Ba't niya ginawa 'yon!" may halong pag-tatampo kong sabi

"Angelica, 'wag mo siyang sisihin. Ginawa niya lang 'yon dahil nag-aalala siya sa'yo."

"Kung nag-aalala siya sa'kin dapat hinayaan ka niyang dumalaw dito!"

"Angelica, hindi mo kasi na-iintindihan--"

Pinutol ko agad siya. Na-kakainis kasi e!

"Ano pa bang hindi ko na-iintindihan doon?! Ayaw niya tayong mag-kalapit!"

"Hindi 'yon ang dahilan." mahinahon pa rin siya ngayon

"E ano?!"

"Gusto ka niya. Kinuwento niya lahat sa'kin. Lahat ng tungkol sa'yo. At noong bago ka ma-aksidente."

May nag-bara sa lalamunan ko dahilan ng pa-ngingilid agad ng mga luha. May kirot sa puso ko at hindi ko alam kung para saan.

"Noong araw na nag-kita kayo sa park na lagi niyong pinu-puntahan noon. Doon niya daw dapat sa-sabihin sa'yo na ikaw ang gusto niya. Kaso akala mo daw na iba ang gusto niya dahil ang sinabi niya lang ay may girlfriend na siya. Inamin mo sa kanya ang na-raramdaman mo bago ka sumakay sa kotse niyo ng walang driver..Hindi ka daw marunong mag drive kaya ka na-aksidente."

Isa-isang tumulo ang luha ko. Paano 'to nangyari? Nagka-gusto ako sa bestfriend ko? At dahil lang sa isang aksidente. Sa isang iglap nawala lahat. Lahat-lahat. Alaala, feelings, lahat. At dahil lang din doon, naka-gawa ako ng bagong memory. Nag-mahal ako ng iba at naka-limutan ko siya.

Kung hindi ko kaya naka-limutan lahat at na-kilala ko pa rin si John. Sino kayang pipiliin ko sa kanilang dalawa? 'Yong noon o 'yong ngayon?

"Angelica, nag-paraya ang kaibigan mo. Gusto niyang maging tayo kasi alam niyang nag-bago na ang lahat dahil sa nangyari. Nag-sisisi siya dahil hindi ka niya pinigilan ng tumakbo ka palayo sa kanya. Ang gusto niya lang ngayon, ay ang ma-panatili ang pag-kakaibigan niyo."

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni John parang nawawasak at nagkakapirapiraso na ang puso ko..Ang minahal ko noon..Ay nag paraya para sa mahal ko ngayon..

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя