Chapter 11

10.5K 348 4
                                    


Letting Go

Nagising nalang ako nang nasa ospital na ako. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero pinilit ko pa rin ang  bumangon. Iginala ko ang mata ko para sana hanapin si John pero wala siya. Ang naroon lang ay isang babae at lalaki. Mga nasa 30s-40s siguro sila. Namumugto ang mata ng babae na nakatingin sa akin. Ang lalake naman ay pina-patahan lang ang babae. Siguro mag-asawa sila. Mga magulang siguro 'to ni John. Pero bakit pamilyar sa'kin? Parang nakita ko na sila.

"Nasaan po si John?" tanong ko

"Anak," nag-salita ang babae

Napa-kunot naman ang nuo ko. Anak? Pero..

"Angelica, baby ko." lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

Para akong nawalan ng lakas. Kilala ko siya. Siya 'yon. Isa-isang tumulo ang mga luha ko. Parang pini-piga ang puso ko habang tini-tingnan silang mabuti. Hindi ako maaaring mag-kamali. Sila 'yon.

"Miss na miss na kita baby ko." ani Mommy habang hina-halikan ang noo ko.

"Mom,"

Natigilan siya ng nag-salita ako.

"Na-aalala mo ako baby?"

Tumango ako sa kanya.

"Opo,"

"Oh my god! Thank you!" bumaling siya sa lalaking naka-tayo lang sa likod niya 

"Hon, naaalala niya tayo." 

Tumango lamang ito na para bang pina-paubaya niya ako sa kanya.

"Mom, paano niyo nga pala nalaman na nandito ako? 'Tsaka nasaan si John?"

"Baby, tinawagan kami ni John. E mukhang totoo naman ang sinabi niyang nasa kanya ka kaya pumunta kami agad dito. I-kinuwento niya lahat sa amin. Nasa labas siya ngayon."

"Pero paano niya po nalaman ang number niyo?"

"Binigay ni Carl sa kanya."

Napa-kunot ulit ang nuo ko.

"Sino si Carl?"

Napawi ang ngiti ni Mommy. Para bang hindi niya iyon i-kinatuwa.

"Siya 'yong bestfriend mo.Ang huling na-kasama mo bago ka ma-aksidente."

Mag-tatanong pa sana ako ng biglang pumasok si John. Na-patingin kaming lahat sa kanya. Ngumiti lamang siya sa mga magulang ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Angela-- este, Angelica."

"Ah, oo. Thank you, John."

Nginitian niya lang ako. Tumayo si Mommy at bumaling sa akin.

"Maiwan muna namin kayo." aniya at sabay na silang lumabas ni Daddy

Nang na-kalabas sila ay agad kong i-binalik ang tingin ko kay John na ngayon ay na-mumungay na ang mga mata. Para bang may na-kakalungkot?

"May problema ba?" tanong ko

"Wala naman." simpleng sagot nito

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya kaya dinagdagan ko pa ang mga tanong ko.

"Kilala kita John. Kahit maikling panahon pa lang tayong nag-sasama, kilala na kita. Ano ba talagang problema? Tell me."

"Puwede ka nang lumabas dito mamaya."

"O, 'yon naman pala, makaka-uwi na tayo sa bahay mo. Ba't ka malungkot?"

"Hindi ka na sa'kin uuwi."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano? Hindi na ako sa kanya uuwi? Hindi na kami mag-kikita?

"Sasama ka na sa Mommy at Daddy mo sa bahay niyo." malungkot na saad nito

"Pero gusto ko sa bahay mo. Masaya ako doon." tumulo na naman ang mga luha ko

"Ako rin naman e, gusto ko nasa bahay ka lang kasama namin. Kasama ko pero," huminga siya ng malalim. "Pero hindi puwede dahil matagal ka nang pinag-hahanap ng Mommy at Daddy mo. Pati na rin ng bestfriend mong si Carl."

Parang tinu-tusok ng karayom ang puso ko habang tini-tingnan ko siya. Ma-mimiss ko siya. Ma-mimiss ko ang mahal ko.

"Dalawin mo ako, okay?" pinalis ko ang luha ko at pilit na ngumiti 

"O sige, kung 'yan ang gusto mo."

"Ma-mimiss kita." malungkot kong saad

"Ma-mimiss din kita. Kung puwede nga lang pigilan kita ginawa ko na pero wala akong karapatan para doon."

Kung puwede ko lang sanang sabihin sa kanya ngayon ang na-raramdaman ko. Kung may lakas lang ako ng loob kanina ko pa ginawa. Pero wala e. His letting me go. He set me free. Kahit ayaw ko. Kahit ma-sasaktan niya ako dahil dito. Wala na akong ma-gagawa. Nangyari na ang dapat mangyari.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now