Chapter 02

15K 467 3
                                    


Memory

Angelica's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng mga kubyertos. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong nakita ang isang lalake sa paanan ng higaan ko. Medyo masakit pa ang ulo ko. Agad na tumayo ang lalaki at lumapit sa'kin. Tinitigan ko lang siya, hindi ko naman kasi siya kilala e.

"Gising kana." aniya

"Sino ka?"

"Ako si John." aniya at ngumiti

"Nasaan ako? Kaanu-ano kita? Anong nangyari sa'kin?"sunod-sunod kong tanong

Napayuko nalang siya na para bang wala siyang maisagot sa'kin. Napalingon nalang ako sa pinto ng may biglang pumasok na doktor at isang nurse. Napakunot nalang ang nuo ko habang may itinuturok sila sa'kin. Medyo masakit kaya napa-pikit ako. Nanghina ako bigla. Bago ako maka-tulog ay tiningnan ko muna si John na nakatingin din sa'kin.

Nagising nalang ulit ako dahil sa sakit ng ulo at sa gutom na rin. Kumakalam na ang sikmura ko! Gusto ko ng kumain. Nakita ko ulit si John na may dala ng tray ng pagkain. Parang mas lalong kumalam ang sikmura ko habang nakatingin sa pagkain na dala niya.

"Gutom ka na?" tanong niya

Tumango lang ako.

Sinubuan niya lang ako. Gusto niya daw siya na para hindi na ako mahirapan.

Nag mukha tuloy akong baby. Nang matapos akong kumain ay nagsimula ulit magtanong ang isip ko. Sino nga ba talaga ako? Nasa ospital ako, pero bakit? Anong nangyari sa'kin?

"Ah, puwedeng mag tanong?" hindi ko na napigilan ang bibig ko

"Ano 'yon?"

"Anong pangalan ko?"

"Ah, hindi ko alam." aniya at nag iwas ng tingin

Napakunot ang nuo ko.

What? Hindi niya alam? Bakit?

"Hindi mo alam?"

Tumango siya at tipid na ngumiti sa'kin.

"Ano ba talagang nangyari sa'kin?"

"Ang alam ko lang, na-aksidente ka. Nakita lang kita sa ilog malapit sa fishpond na pagmamay-ari ng lolo ko. Palutang lutang ka lang doon. Maraming sugat at walang malay." aniya

"Ba't wala akong maalala?" hindi ko maiwasan ang pait sa tono ko

"May Amnesia ka sabi ni doc."

"Amnesia?" 

"Dahil sa aksidente, nawala ang lahat ng alaala mo. Pero babalik din naman 'yon kapag naka recover na ang utak mo. 'Wag kang mag alala, tutulungan naman kita."

Gusto kong bumalik na ngayon ang mga alaala ko. Pero kagaya ng sinabi niya, matatagalan pa. Pero kailan?

Kailan?

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now