Chapter 07

11.5K 332 0
                                    

Promise

"Angelica! Ang daya mo talaga! Sabi mo 'wag lalampas sa bahay niyo, pero ikaw 'tong hindi tumupad! Nandito ka sa park!" sigaw ni Carl

"Boring na kasi doon!" sabi ko at nag duyan nalang

"Basta! Madaya ka! " aniya at nag duyan na din

Natahimik nalang kami bigla. Si Carl na ang naging bestfriend ko simula ng umuwi kami dito sa pilipinas. Hindi talaga ako friendly, kaso siya itong sobrang kulit. Lagi niya akong ni-yayayang makipag-laro sa kanya. Kahit tina-tanggihan ko siya, gagawa pa rin siya ng paraan para mapa-payag ako.

"Angelica." tawag niya kaya nilingon ko siya

"Hm?"

"Aalis na kami bukas."

Natigilan ako sa sinabi niya.

What?! Iiwan niya ako? Bakit? Akala ko ba walang iwanan? Ba't siya aalis?

"Pupunta na kami ng States. Doon na daw kami titira sabi ni Daddy." pag-papatuloy niya

"'Wag mo akong iwan, please." na-iiyak na sabi ko

"Angelica, babalik naman ako e. At kapag naka-balik na ako, hahanapin kita agad."

"Pero kailan?"

"Basta, kapag naka-balik na ako, mag-kakasama na tayo." aniya at niyakap ako

"Promise 'yan?"

"Promise."

Kinabukasan ay umalis na nga sila. Parang may kulang sa'kin araw-araw. Wala pa nga akong naging kaibigan simula ng umalis si Carl. Kahit maraming nakikipag-kaibigan sa'kin hindi ko pinapansin. Gusto ko si Carl. Siya lang ang Bestfriend ko. Forever! At hindi ko siya ipag-papalit sa ibang kaibigan ko. Siya lang ang gusto ko.

"Baby, ba't ba ayaw mo ng ibang kaibigan?" ani Mommy

"Mommy, si Carl lang nga po ang kaibigan ko. Wala ng iba." sabi ko

"Pero baby, wala si Carl dito. Nasa States siya. At hindi natin alam kung kailan siya babalik. Kaya sana maging friendly ka naman sa ibang bata." aniya

"Mom, si Carl lang nga po ang Bestfriend ko!" sigaw ko at umakyat na patungo sa kwarto

Doon na ako humagulhol sa iyak. Miss ko na siya! Miss ko na ang bestfriend ko! Dahil sa sobrang iyak ko ay nakatulog na ako. Kinabukasan ay sobrang hapdi na ng mata ko. Bakit pa kasi ako umiyak kagabi. Namumugto na tuloy ang mata ko.

Kinusot ko ang mata ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko nalang si Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap.

"Ma, wag mo ng pilitin ang bata. Kung ayaw niya ng bagong kaibigan sa ngayon, respetuhin nalang natin siya." ani Daddy

Tama 'yan Dad! Mag-kakampi talaga tayo!

"Pero Pa, kailangan niya ng mga bagong kaibigan dahil baka hindi na bumalik si Carl. Baka umasa lang siya sa wala. Alam mo namang sobra umasa 'yang anak mo." si Mommy naman

Bad ka talaga Mom! Babalikan ako ni Carl! 'Tsaka hindi ako sobra umasa 'no! Slight lang.

"Hayaan nalang muna natin. Siya na mismo ang ipa-hanap natin ng bagong kaibigan. Baka ayaw niya lang sa mga ipina-pakilala mo sa kanya." si Dad

Tama ka Daddy! Ayaw ko talaga sa mga ipina-pakilala ni Mom sa'kin! Walang katulad ni Carl.

"O sige. Hahayaan ko na siya." si Mommy

Yes! I love you talaga Dad! Hindi niya na ako pipilitin!

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon