Chapter 15

10.1K 314 3
                                    


Lung Cancer

"Carl, may nangyari ba?" tanong ko ng hindi pa rin siya nag-sasalita

"Wala," simpleng sagot niya at ngumiti kahit alam kong pini-pilit niya lang ang sarili niya

Umupo kami sa sofa. Hinarap ko naman agad siya. Kailangan talaga naming mag-usap. Ayaw kong na-kikita siyang na-sasaktan dahil sa'kin. Ayaw ko. Magui-guilty ako.

"Carl, sorry. Sorry kasi hindi ako nakinig sa'yo. Kung hinintay sana kitang matapos sa pag-sasalita. Kung hindi sana ako tumakbo at nag drive mag-isa baka hindi nangyari lahat ng 'to. Sorry kung ma-sasaktan kita kasi iba na ang mahal ko. Kung hindi sana ako nag-padala sa emosyon ko, baka masaya na tayo ngayon. Sorry talaga kasi na-gawa mo pang mag-paraya para lang sa'kin. Sorry." na-iiyak na ako dahil sa mga sinabi. "Kung hindi lang sana ako nagmahal ng iba, baka tayo na."

"Angelica," nabasag ang boses niya. "Wala kang kasalanan. Kung sinabi ko sana agad sa'yo, baka hindi ka tumakbo at hindi nangyari ang lahat ng 'to. Pero tapos na. At nag-papasalamat pa rin ako kasi nangyari 'yon. Kasi kung hindi, hindi kayo magka-kakilala ni John. Hindi ka mag-mamahal ng taong kayang sabihin at ipadama sa'yong mahal ka rin niya. Angelica, hindi man naging tayo, nandyan si John para gawin ang mga bagay na hindi ko ma-gagawa sa'yo at hinding-hindi ko na ma-gagawa pa sa'yo."

Anong ibig niyang sabihin? Hindi na talaga ako maka-hinga ng maayos habang ini-isip ko kung anong dahilan kung bakit hindi na niya iyon ma-gagawa sa'kin.

Ano bang mang-yayari sa kanya? May masama bang mang-yayari? Aalis ba siya? Ano?!

Kung wala lang siya sa harap ko kanina ko pa sinabunutan ang sarili ko. Hindi ko na talaga alam kung anong nang-yayari sa'kin. Ayaw ko 'tong isipin pero. Pero, may mang-yayari bang masama sa kanya?

"Ano bang pinag-sasasabi mong hindi mo ma-gagawa ang mga bagay na gusto mong gawin? Bakit mo ba sinasabi 'yan? May mang-yayari ba? Sabihin mo sa'kin Carl!" halos mag-panic na ako

"Angelica, may lung cancer ako."

Parang bumagsak ang puso ko. Nabiyak at nagkadurog-durog na parang abo.

Hindi puwede! Hindi siya puwedeng mawala! 'Yong bestfriend ko!

Para nang gripo ang luha ko. Kung may sakit ako sa puso baka kanina pa ako naka-ratay dito. Ang hirap kahit hindi naman ako ang may sakit.

Hindi ko kayang mawala ang bestfriend ko!

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon