Chapter 16

10.4K 319 2
                                    

Promise

Ang sakit isipin na ma-wawala siya. Pero ayaw kong ipa-ramdam 'yon sa kanya. Ayaw kong pang-hinaan siya dahil lang sa'kin. Gusto kong lumaban siya, alam kong hindi pa ito ang huli. May pag asa pa , at naniniwala akong ga-galing pa siya. Malakas siya e, ga-gawin niya lahat para hindi ako malungkot.

Pero mukhang malabong na sa'kin pa rin ang dahilan ng pag-lakas niya. Hindi siya ang pinili ko kaya wala na akong karapatan pa sa kanya. Siguro ma-kakahanap din siya ng ibang babaeng mamahalin niya at mamahalin din siya ng buo.

"Angelica, pag nawala ako. 'Wag mo akong ka-kalimutan, okay? Kahit may pamilya na kayo ni John, hindi mo pa rin ako ka-kalimutan." aniya na mas nakapag-pasakit pa ng puso ko

"Carl, hindi ka ma-wawala. Hindi ka susuko, lalaban ka. Hindi ka aalis, hindi mo kami iiwan." na-iiyak kong sambit

"Angelica, walang kasiguraduhan na ma-bubuhay ako. Kaunti nalang ang panahon ko dito. Bilang na ang mga araw ko kaya hindi na ako mag e-expect na ga-galing pa ako."

"Ga-galing ka pa. 'Wag ka namang sumuko agad! Hindi mo iiwan ang mga magulang mo! Hindi mo kaming iiwan! Masasaktan kaming mga nag-mamahal sa'yo kung su-suko ka. 'Wag ka namang pang-hinaan ng loob."

Kung ako siguro ang nasa kina-tatayuan ni Carl, mas gu-gustuhin kong mabuhay at lumaban para sa mga taong mahal ko. Hindi ako su-suko para sa kanila. Hindi ko sila iiwan. At hindi ako mag-papatalo sa kahit anong sakit.

Pero hindi ako si Carl e. Hindi ako 'yong ma-mamatay. Hindi ako ang may sakit. At hindi ako ang may iiwan. Siya 'yon. Siya ang ma-wawala at mang-iiwan sa amin. Masyado pa siyang bata para mawala dito.

Kung ako lang siguro ang ma-susunod, hindi ko sa kanya i-bibigay ang sakit na 'yan. Kasi masyado siyang mabait. Mapagmahal. Mas gu-gustuhin kong sa'kin nalang 'yang sakit na 'yan kasi ako 'yong may na-saktan. Ako 'yong naka-limot sa nakaraan. Dapat masaya ang lahat ngayon e. Sana hindi ka na lang nagpadalos-dalos sa desisyon mo!

Masyado akong tanga! Sana tinali ko nalang ang sarili ko o di kaya'y nag kulong sa kuwarto para walang nang-yaring ganito! Gusto kong ibalik lahat sa dati pero nandito na tayo e. Nang-yari na. At wala na akong ma-gagawa. Kung may kapangyarihan lang sana akong makapag-pagaling, matagal ko nang pina-galing si Carl.

Sayang talaga siya e. Marami pa siyang ma-gagawa. At ma-aari pa siyang mag mahal ng iba. At para maka-limutan na niya ako.

"Angelica, gusto ko lang sanang mangako ka sa'kin na hindi mo pa-babayaan ang sarili mo. Na a-alagaan mo ito kahit anong mang-yari. At 'wag na 'wag kang iiyak kapag na-wala ako. Please?"

'Wag iiyak?

Paano? Paano ako hindi iiyak kung ngayon pa lang wala nang tigil sa pag tulo ang mga luha ko? Pero ga-gawin ko lahat para sa kanya. Ma-ngagako ako.

"Okay. Promise."

"Thankyou."

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon