Chapter 17

9.4K 301 1
                                    


Lakas

Ilang buwan ang naka-lipas ay paulit-ulit na isinu-sugod sa ospital si Carl. Lalo na siyang pumayat. Hindi ko maiwasang umiyak sa tuwing tini-tingnan ko siya na na-hihirapan nang huminga. Halos hindi na ako maka-tulog sa kaka-isip sa kanya kahit pati si John ay sina-saway na ako dahil lagi nalang akong kulang sa tulog.

Bakit ba nangyari 'to sa kanya? Wala naman siyang bisyo. Dapat magaling siya. Dapat hindi siya dina-dapuan ng mga sakit dahil lagi namang healthy ang kina-kain niya. Pero siguro kailangan na talagang mag-pahinga ng katawan niya. Patay man ang katawang lupa niya. Buhay na buhay naman siya sa mga puso naming nag-mamahal sa kanya.

Dumaan pa ang isang buwan ay halos hindi na siya na-kakauwi sa bahay nila. Lagi nalang siya dito sa ospital. Hindi na rin siya masyadong maka-galaw dahil mahina na ang katawan niya. Pero kahit ganoon na-gagawa niya pa rin ngumiti at mag-patawa sa amin. Sina-sakyan nalang namin kahit na-sasaktan na kami. Pina-pakita namin sa kanyang masaya kami para sa kanya kahit hindi talaga.

"Angelica, kumain ka na muna. Baka mamaya pa gumising si Carl." si John habang ni-lalagay sa harap ko ang pag-kain

Tulog pa kasi si Carl. Mukhang na-pagod yata. Minsan kasi madali lang siyang na-papagod. 'Yong kutis niyang maputi na noon ay mas lalo pang pumuti ngayon. Pati ang labi niyang mapu-pula. Maputla na rin. Sobrang nag-iba na talaga siya.

"John, hindi pa naman ma-wawala si Carl 'di ba? Gagaling pa siya 'di ba?.
Tatagal pa siya dito 'di ba?" na-iiyak kong sambit

"Gagaling siya, okay? Manalangin lang tayo. Mag-tiwala tayo sa panginoon, Angelica. At dapat kapag gumaling na si Carl, hindi ka dapat magka-sakit. Sige ka, mag-tatampo 'yon sa'yo, pati na rin ako.
." aniya at ngumuso

Nagawa pa talagang isingit ng isang 'to ang sarili niya. Sa mga buwang lumipas, mas naging close kami ni John. Lalong-lalo na sa school. Puma-pasok na rin kasi ako dahil ayaw ko namang pabayaan ang pag-aaral ko.

Mas pinag-bubuti ko pa ito dahil ayaw kong ma-dissapoint sila sa'kin. Para na rin 'to kay Carl. Siya nga minsan ang ini-isip ko kapag kina-kabahan ako. Ga-gawin ko lahat para sa kanya. At para na rin sa pamilya ko at kay John na mahal ko.

Sila lang ang lakas ko e.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon