Chapter 18

9.4K 312 9
                                    

Gumising ka!

Pagka-tapos kong kumain ay nag-paalam muna akong mag ba-banyo lang. Medyo na-tagalan ako dahil tinawagan ako ng kaklase ko para sa project na ga-gawin namin next week. Wala kasi kaming pasok kaya nandito na ako kaninang umaga pa. Pagka-balik ko ay nakita ko nalang sina Tita at Tito, ang mga magulang ni Carl at si John na naka-tayo sa labas ng kuwarto ni Carl?

Humahagulhol si Tita habang naka-tingin sa loob. Pina-patahan naman siya ni Tito at si John naman ay tulala lang at naka-tingin sa kawalan. Agad akong lumapit sa salaming nakapagitna sa loob at labas ng kuwarto. Kitang-kita ko ang pag-iling ng doktor habang naka-tingin sa walang malay na si Carl.

Unti-unti kong na-realize kung anong ibig-sabihin noon. Nang-hina ang tuhod ko kaya agad akong napa-upo sa malamig sa sahig ng ospital. Tumulo na rin ang mala-gripo kong luha.

Hindi! Hindi ka puwedeng mawala!Nilapitan ako ni John at niyakap. Wala na akong lakas. Ang sakit-sakit ng puso ko. Para bang tumigil ito sa pag-tibok at namatay na. Hindi ko alam.

"Angelica," nabasag ang boses ni John. "Wala na siya."

Bumagsak ang balikat ko at doon na humagulhol sa iyak. Hindi ko 'to kaya. Ang sakit ng lalamunan ko dahil parang may naka-bara dito. Hindi siya puwedeng mawala!

"Hindi! Hindi pa siya patay! Nagka-mali lang sila!" sambit ko

Nang lumabas ang doctor ay agad akong tumayo at lumapit dito.

"Doc, si Carl?" tanong ko

"I'm so sorry, pero wala na ang pasyente." aniya

Napa-pikit ako sa sobrang sakit. Napa-hawak na din ako sa dibdib ko. Nang dumilat ako ay agad akong pumasok sa loob at pinuntahan ang mapayapang natutulog na si Carl. Wala nang mga tubong naka-kabit sa kanya.

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng hawakan ko ang kamay nito. Ang lamig. Sabayan pa ng kamay kong nan-lalamig na din. Para na itong yelo. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Carl, gising na." na-papaos na ang boses ko. "Gising na please. Masyado nang mahaba ang tulog mo. 'Wag ka namang matulog lagi. Ka-kainin pa natin ang mga paborito mong pag-kain." sambit ko kahit hindi na ako maka-hinga ng maayos

"Angelica," si John na nasa likod ko. "Hindi na siya gi-gising."

"Gi-gising siya, John! 'Wag kang mag-salita ng ganyan!" sigaw ko at hinaplos ang buhok niya

"Angelica,"

"John, please. Gi-gising pa siya." pagma-makaawa ko

Hindi ko talaga kayang matanggap na ma-wawala nalang siya sa isang iglap. 'Yong ngiti niyang nakakapag-pawala ng sakit. Miss ko na 'yon. Miss ko na ang lahat nang nasa kanya. Miss ko na ang bestfriend ko.

"Carl. Carl, gumising ka na!" sigaw ko

Gising!

"Please, Carl! Gumising ka na please! 'Wag mo kaming iwan! 'Wag mo akong iwan! Carl, please! Ma-awa ka. Gumising ka na. Carl, bestfriend ko. Please."

Gising ka na.

"Mag-pahinga ka na." nanghina na ako. Hinalikan ko nalang ang nuo niya sa huling pag-kakataon. "Hindi na kita pi-piliting gumising dahil alam kong pagod ka na rin. Mag-pakasaya ka, okay? Sorry kung hindi natupad ang hiling mo sa'king 'wag iiyak kung nawala ka. Masakit lang kasi para sa'king mawala ka. Sorry, bestfriend. Pahinga ka ha. 'Wag mo akong mu-multuhin." dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at ngumiti.

Paalam, kaibigan ko.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now