Chapter 08

11.1K 342 3
                                    

Mall

Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw galing sa bintana. Kinusot ko ang mata ko at bumangon na. Isang linggo na rin ang lumipas simula nung hinalikan ako ni John. Para nga akong uod na binudburan ng asin noon e. 'Tsaka medyo naging close na rin kami noon. Hindi na nga kami mapag-hiwalay e.

Naligo muna ako bago lumabas ng kuwarto. Sabado ngayon kaya walang pasok si John. Naka-upo na siya sa hapag. Mukhang hini-hintay nalang akong bumaba.

"Morning," aniya

"Morning din," sabi ko at ngumiti

Umupo ako sa tabi niya. Nakasanayan ko na rin 'yonn e.

"Anong ga-gawin mo ngayon?" tanong niya

Araw-araw niya akong tina-tanong kung anong ga-gawin ko. E syempre mala-prinsesa ang ako dito, kaya minsan nang a-agaw ako ng mga gawain sa mga kasambahay. Minsan kinu-kulit ko ang hardenero nila na ako na ang mag di-dilig ng mga pananim. Mabuti nalang at puma-payag naman ito pero sandali nga lang.

"Wala." simpleng sagot ko

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Ako naman ang nag salin ng juice sa baso niya at pati na rin ang sa'kin.

"Gusto mo bang lumabas?" tanong niya

Nasamid ako sa iniinom kong tubig. Tama ba ang naring ko? Lalabas? As in ma-mamasyal?

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, gusto mo bang lumabas?" ulit niya

"Saan naman tayo pupunta?"

"Mall?"

Abot tainga ang ngiti ko. Seryoso siya! Lalabas talaga kami! At sa mall pa talaga! Ma-kakalabas na ako! At kasama siya. Parang date lang, kagaya ng na-papanuod ko sa mga drama.

"Kailan tayo lalabas?" maligayang tanong ko

"Kung kailan mo gusto."

"Mamaya?"

"Okay, kung 'yan ang gusto mo." aniya at ngumiti

"Thank you, John!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya

The best talaga ang isang 'to! Kahit minsan snob siya sa'kin kasi nagiging busy siya sa school, hindi niya pa rin talaga ako pina-pabayaan. Love ko talaga ang isang 'to! Higit pa sa lahat.

"Sige na, kumain ka na." aniya at nag simula ng kumain

Parang gutom na gutom ako dahil sobrang dami na ng na-kain ko. Halos hindi na ako maka-galaw dahil sa kabusugan. Pero dahil mag mo-mall kami, pinilit ko ang sarili kong gumalaw para makapag-ready. Magpa-paganda talaga ako nito. Pero walang make-up. Hindi rin naman kasi kailangan ng make-up ang mukha ko dahil mala-diyosa naman ang ganda ko. Charot!

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now