Chapter 03

13.7K 446 7
                                    

Ngiti

2 weeks pa kaming nanatili sa ospital. Tulog at kain nga lang ang gawain ko araw-araw e. Hindi rin naman ako makapag-tanong kay John tungkol sa nakaraan ko dahil hindi niya rin ako kilala. At wala rin akong kahit isang clue kung sino ako. Hindi na nga lang niya ako kina-kausap dahil hindi niya alam kung anong itatawag sa'kin. Hindi na rin siya ang nag a-asikaso sa'kin dahil may tatlong kasambahay siyang pinapunta dito para alagaan ako. May pasok pa daw kasi siya.

"Manang, kailan po ba ako makaka labas dito?" tanong ko sa isang kasambahay na nagli-ligpit ng pinag-kainan ko

"Bukas na po siguro." aniya

"Talaga?" masayang sambit ko

Sa wakas makakalabas na ako! Para kasi akong kinu-kulong dito. Kahit pag labas lang ng room ko ay hindi puwede! Sa bintana lang ako nakaka-silip sa labas.

"Manang, puwede bang bigyan mo ako ng pangalan?" tanong ko

Gusto ko kasi ng pangalan e, wala naman akong maisip. Gusto ko may tumatawag sa'kin sa pangalan ko. Pero wala naman akong ganoon.

"Bakit?" tanong niya

"Gusto ko kasi may itawag kayo sa'kin." ngumuso ako

Sa tagal ko dito sa ospital, naging close ko na halos lahat. 'Yong Doktor, Nurse at mga kasambahay. Maliban nga lang kay John. Dumadalaw siya dito paminsan minsan. Pero 'di rin nag-tatagal. Gusto ko nga sana siyang kausapin pero nahihiya lang ako.

"Pero baka hindi mo magustuhan e." aniya at nahihiyang ngumiti

"Sige na po, please." nag puppy eyes pa ako sa kanya

"Sige, dahil mukha kang anghel. Angela ang itatawag ko sa'yo."

Para akong baliw sa sobrang saya. Pumalakpak pa nga ako e!

"May pangalan na ako!" sigaw ko

"Talaga?" tanong ng isa pang kasambahay na kasama ko

Dalawa lang kasi silang kasama ko ngayon dahil day off noong isa. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Angela na ang pangalan ko." maligayang sambit ko

"Nice name." isang lalake ang nag salita

Napalingon ako dito at nakitang si John pala iyon na nakapamulsang lumapit sa akin. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti na rin ako. Umupo siya sa gilid ng aking kama.

"Salamat!" sambit ko

"Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now