Chapter 05

12.1K 399 2
                                    


Ingat

Nagising nalang ako na nasa kuwarto na ako. Naka-upo si John sa paanan ko na may nag-aalalang ekspresyon. Agad na umaliwalas ang mukha niya ng makitang gising na ako.

"Okay ka lang ba?" tanong niya

"Oo, okay lang ako."

"Nagu-gutom ka na ba?"

Hindi muna ako sumagot agad dahil pinaki-kiramdaman ko muna ang katawan ko.

"Parang ganoon na nga." sagot ko

"Sige, kukunin ko lang ang pagkain mo." aniya at tumayo

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Ayaw kong kumain dito, mag-mumukha na naman akong nasa ospital. Nilingon niya ako at tiningnan ang kamay kong naka-hawak sa kamay niya.

"Ayaw kong kumain dito mag-isa." sambit ko

"Hindi ka naman mag-isa. Nandito naman ako." aniya

"Please, ayaw ko dito." pagma-makaawa ko

"Fine." 

Nabuhayan agad ako. Bumangon ako at niyakap siya. Wala namang masama sa pag yakap 'di ba? Na-una na akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa dining area. Naabutan ko nalang ang mga kasambahay doon na nag-hahanda ng hapunan. Nagulat at napatigil nga sila sa gina-gawa nila ng nakita nila ako.

"Angela, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni manang Lita 'yong nag bigay sa'kin ng pangalan

"Opo." sambit ko at umupo na sa upuan

"Mabuti naman, pinag-alala mo kaming lahat. Lalong lalo na si Sir." ani ate Maya 'yong kasama ko din sa ospital kahapon

Ngayon ko pa lang nalaman ang mga pangalan nila. 'Yong iba nga hindi ko nalang kina-kausap. Baka isipin nilang napaka-daldal ko.

"Ang ganda po pala ng mga bulaklak sa labas 'no? Parang gusto kong pitasin lahat." sambit ko

"Puwede mo naman gawin 'yan, pero mag-ingat ka at baka matusok ka dahil may mga tinik ang ibang bulaklak." isang lalaki ang nag salita

Kahit hindi ko pa siya nili-lingon ay alam kong si John 'yon. Pamiliar na sa'kin ang boses niya. Umupo siya sa katabi kong upuan. Nilingon niya ako at nginitian.

"Mag-ingat ka na sa susunod." dagdag niya

"Okay. Sorry kung pinag-alala ko kayo."

"Sige na, kumain ka na." aniya at siya na mismo ang nag lagay ng kanin at ulam ko

Ang sweet talaga ng isang 'to. Suwerte siguro ang girlfriend nito. Pero mayroon na ba siya noon? Ako ba noon, mayroon na din?

Kung mayroon ako noon, ma-alaga din ba siya? Sina-sabihan niya rin ba ako na mag-ingat ako? Kung oo man, gusto ko siyang makita. Baka siya ang makakapag-pabalik ng alaala ko.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now