Chapter 06

12.3K 419 1
                                    

Halik

Pagka-tapos kumain ay pumunta ulit ako sa garden. Hapon na kaya hindi na masyadong mainit. Nakita ko ulit 'yong aso. Tumakbo siya palapit sa'kin kaya huminto ako sa pag-lalakad.

"Hi cutie." sambit ko

Pinag-masdan ko ulit ang mga bulaklak sa paligid. Isa-isa ko itong hinawakan at pumikit sandali. Sa pag pikit ko ay may biglang lumabas na batang babae sa isang bahay.

Tumakbo ako papalabas ng bahay dahil nag hahabulan kami ni Carl. Siya kasi 'yong taya. Agad akong tumakbo sa garden namin at nag tago sa isang puno. Pumitas muna ako ng isang pulang rosas habang nag-hihintay na makita ni Carl.

"Angelica!. Nasaan ka na?!" sigaw niya

Napangiti ako. Ang kulit din ng isang 'to!

"Angelica naman! Habulan ang nilalaro natin, hindi taguan!" sigaw niya ulit

Umalis ako sa puno at tumakbo palabas ng bahay. Sa parke ako nag punta para hindi niya ako makita. Lagi ko nalang siyang na-iisahan. Agad akong umupo sa isang swing at doon pinag-masdan ang bulaklak na pinitas ko.

Nang dumilat ako ay hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Ano 'yong nakita ko?Parte ba 'yon nang nakaraan ko? Ako ba 'yong batang babae? Marami pa dapat akong malaman.

"Angela." tawag ng isang lalake

Napalingon ako kay John. May dala siyang tatlong pulang rosas at ini-abot sa akin.

"For you." aniya

Ngumiti ako at tinanggap iyon.

"Thank you."

Red roses siguro ang paborito kong bulaklak noon 'no? Ano pa kayang mga gusto ko?

"Sa tingin mo, may nag-hahanap kaya sa'kin?" tanong ko sa kanya

"Siguro? Kase kung wala, puwede ka naman dito." aniya

"Alam mo, feeling ko may kulang sa'kin. May nawala sa'kin. Parang may isang tao akong hinahanap-hanap pero hindi ko alam kung sino."

"'Wag mong pilitin ang sarili mong maka-alala. Baka dahil sa pamimilit mo sa sarili mo, hindi mo na maalala ang dapat mong maalala."

"Hindi ko alam kung bakit ako na aksidente, pero feeling ko hindi ko ginusto 'to. Kahit maalala ko lang kung paano nangyari sa'kin 'to, magiging masaya na siguro ako. Kasi at least hindi ako mag-mumukhang tanga kapag naalala ko na lahat."

"Angela, hindi ka naman nag-iisa e. Nandito kami. Tutulungan ka naming maka-alala. Hindi ka namin paba-bayaan." aniya at niyakap ako

"Thank you, kasi kahit hindi niyo ako kilala, tinuring niyo akong kapamilya niyo."

"Unang kita ko palang sa'yo, Angela, alam kong mabuti ka. Kaya nga ako napa-mahal sa'yo kahit ilang linggo pa lang kitang naka-kasama, may gusto nako sa'yo. Mahal kita Angela."

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Gusto niya ako? Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanigas nalang ako sa kina-tatayuan ko habang naka-titig sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at idinikit ang labi niya sa labi ko. Naka pikit siya habang hina-halikan ako. Dahan-dahan ko na ring ipinikit ang mata ko at dinama ang malambot niyang labi.

Siya ba 'yong first kiss ko?

Siya ba ang first love ko?

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now