Chapter 19

9.2K 285 1
                                    

Mga sulat

Maraming kamag-anak ang pumunta sa libing ni Carl. Halos ayaw ko nga siyang makita habang ibina-baon sa lupa. Hindi ako maka-paniwalang ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nang mawala siya. Halos mag-makaawa ako sa kanyang gumising. Hindi ko lang talaga matanggap na ngayon ay wala na siya, na nag-papahinga na siya.

Pag-katapos ng libing ay may ibinigay muna si Tita sa'king isang kahon. Sabi niya, mga sulat daw ang laman nito. Galing daw kay Carl. Hindi ko muna 'to binuksan dahil hindi ko pa lubusang tanggap ang pagka-wala niya. 'Tsaka na kapag okay na ang pakiramdam ko.

Ilang linggo muna ang pina-lipas ko bago ko ito binasa. Marami-rami ang mga ito at parang araw-araw siyang nag-susulat? Kumuha ako ng isa at binasa ito.

Hi Bestfriend,

  Sorry kung hindi ko 'to ma-ibigay sa'yo sa personal na-tatakot kasi ako e. Ewan ko kung bakit pero parang na-totorpe ako. Oo, na-totorpe ako kasi matagal na talaga kitang gusto. Hindi ko lang masabi-sabi kasi nahihiya ako. Simula pa noong bata pa tayo, pinangako ko na sa sarili ko na magiging tayo balang araw. Na liligawan kita. Kaso mukhang malabong mangyari. Nabalitaan ko na marami na ang nag-kakagusto sa'yo. Baka magka-boyfriend ka na pagka-dating ko. Sayang siguro 'no? Pero okay lang, basta masaya ka masaya na rin ako. I love you bestfriend.

Para ulit nilulukot ang puso ko. Gumawa talaga siya nito? Bumunot ulit ako ng isa pa.

Hi Angelica,

   Be lated HAPPY BIRTHDAY! Sorry kung wala ako sa kaarawan mo. Sabi kasi ni Mommy hindi pa daw kami makaka-uwi diyan. Pasensiya na. 'Wag kang mag-alala, pagka-balik ko diyan, marami akong pasalubong para sa'yo. 'Wag kang mag-tatampo sa'kin. I miss you.

Bakit ngayon ko lang 'to nakita? Hindi niya ba nai-padala sa'kin? Sana ipina-dala niya nalang para pagka-uwi niya noo,n kami na. Pero paano 'yan. Tapos na e. Wala na siya dito. Hindi na siya buhay. At kahit sisihin ko pa ang sarili ko, hindi ko na ma-ibabalik ang buhay niya. Wala pa rin silbi ang pag-iisip ko ng ganito.

Tapos na e.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Where stories live. Discover now