Chapter 10

10.9K 311 1
                                    

Sulat

It's my 15th birthday! At ilang years na simula ng huli kaming mag-kita ni Carl. Oo, hindi pa siya buma-balik. Kahit tawag nga wala. Miss ko na siya. May mga bago na rin akong kaibigan pero nga lang, hindi kasing close kagaya nalang ng pa-giging close ko kay Carl. Lagi nalang akong nag co-compare 'no? Siya lang talaga 'yong gusto ko e. As in gusto.

More than friends.

I'm in love with my bestfriend.

Parang kanta lang diba? 'Yon na 'yon e. Wala ng mag-babago doon. Gusto ko siya higit pa sa pag-kakaibigan. Stalker niya na nga ako. Every post niya sa Facebook, like ko agad. Heart pa nga minsan, 'yon nga lang hindi siya online lagi. Ni isang reply nga sa chat ko sa kanya wala. Para bang kina-limutan niya na ako?

Ang sakit 'no?

"Happy Birthday, baby." ani Mommy at hinalikan ako sa pisngi

"Thanks, Mom."

"Tumawag nga pala ang Daddy mo kanina. Gusto ka sana niyang batiin kaso tulog ka pa."

2 years na si Daddy sa ibang bansa. May business kasei siya. Si Mommy nalang kasama ko, at ayon na nga, gusto niya lagi na nandito ang mga kaibigan ko. Halos kapag uwian nga namin dito kami dumi-diretso dahil sa kanya. Sobrang kulit.

"Baby, may sulat ka nga pala." aniya at may inabot sa'king papel

"Kanino po galing?"

"Saan pa nga ba? E 'di sa Bestfriend mong nasa ibang bansa."

Dahil sa sobrang saya ay muntikan ko nang mapunit ang papel. Himala! May sulat siya sa'kin!

Dear BestFriend :

Hi Chubby! Na miss kita! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-sulat para sa'yo. Naging busy kasi ako sa school. Sa summer naman business ang ina-asikaso kasi tini-train ako ni Daddy para mamahala sa kompanya namin. Gusto nga sana kitang tawagan pero wala akong oras. 'Wag kang mag-alala, ba-bawi ako sa'yo pag -uwi ko. Happy Birthday Chubby. I miss you.

'Yon ang laman ng sulat. Hayst. Kailan pa kaya 'yonn uuwi? Sana ngayong taon nalang. Ang aga niya palang na train 'no? Hintay lang, Angelica. Kaunting tiis nalang. Makikita mo na ang bestfriend mo.

Kaunting tiis?

Bakit alam mo ba kung kailan ang uwi niya? Hindi 'di ba? Tsk.

"Okay ka lang, bes?" ani Lily

"Ah, oo naman. Bakit mo na tanong?"

"Kanina ka pa kaya tulala diyan. Iniisip mo na naman ang First Love mo 'no?"

Mang-huhula siguro ang isang 'to 'no? Alam niya kasi ang buong istorya tungkol kay Carl. Siya lang kasi 'yong loyal sa'kin minsan. 'Yong iba kasi dinaig pa ang mga nanay nilang mga chismosa. Sarap pag-uuntugin ng mga ulo.

"Ano pa nga ba. 'Yan naman talaga ang ginagawa mo araw-araw." dagdag niya

"'Wag ka ngang maingay diyan."

"Bakit, ayaw mo bang marinig ng mga manliligaw mo na may iba kang gusto kaya basted sila lagi?"

"Ewan ko sa'yo, baliw ka talaga."

"Baliw na kung baliw."

Napailing nalang ako habang tinitingnan ang kaibigan.

My Girl , My Life , And My Wife - (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz